Connect with us

Entertainment

Kathryn Bernardo, Ibinahagi na Wala pa sa Plano ang Magkaanak Agad Kapag Ikinasal sila ng Kanyang Boyfriend na si Daniel Padilla

Isa sa hinahangaang reel and real life couple sa industriya ng showbiz ay ang magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Kilalang-kilala ang tambalan ng magkasintahan ng publiko at kanilang mga tagahanga sa tawag na KathNiel.

Credits: Kathryn Bernardo | Instagram

Hindi naman maikakaila na talagang kinakikiligan ng marami ang kanilang tambalan on screen man o off screen. Ito nga ay dahil makikita naman talaga kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.

Ang pagmamahalan nina Kathryn at Daniel ay siyam na taon na nilang pinaparamdam at pinapatunayan sa isa’t isa. Hindi na nga maitatanggi na ang kanilang matamis na love story, ay nalalapit nang mauwi sa pag-iisang dibdib.

At kamakailan lamang nga sa unang episode ng kanyang bagong segment na “TGIS” sa kanyang YouTube channel, kung saan tampok ang host na si Robi Domingo, ay ipinahayag ni Kath na kapag ikinasal na sila ni Daniel ay nais muna niyang lasapin ang buhay mag-asawa, bago magkaroon ng anak.

Credits: Kathryn Bernardo | Instagram

“Ayaw ko rin mag-anak agad. Sinabi ko sa kanya kasi gusto ko enjoy muna namin… Hindi kami naka-travel ngayon so ‘yun yung gagawin. And then once I’m ready, once we’re ready, no pressure naman na mag-baby agad after,”aniya.

Pag-amin pa ni Kath ay naiilang siya sa tuwing natatanong ang mga celebrity couple, lalo na ang mga bagong kasal, tungkol sa pagkakaroon ng anak kung kailan nila balak magkaanak. Ayon kay Kath, ay mahalaga umano na irespeto ang desisyon ng couple.

“Actually, sometimes ‘yun yung nailang ako sa mga tao na, ‘di ba, ngayon parang tinatanong parati once kasal na yung mga showbiz couples especially, kailan kayo mag-anak? But for me, you respect the decision na iba iba yung couple, eh. kanya kanya tayo, eh,”sabi niya.

Credits: Kathryn Bernardo | Instagram

Ibinahagi naman ni Kath na kung sakaling ikasal na sila ng kanyang boyfriend, ang talagang una sa listahan nilang priority ay ang pagkakaroon ng sariling tahanan. Ito nga ang una sa kanilang plano, para sa pagbuo ng kanilang pamilya ay may bahay na agad sila.

“I think to maybe get our own place kasi feeling ko once you’re married and you’re starting a family na or yung partnership na yun or a deeper level, I think you need your space. So it’s going to take time talaga. So ‘yun ‘yung first [plan],”paliwanag niya.

Talaga namang napakaganda ng direksyon ng relasyon nina Kath at Daniel dahil ngayon pa lang ay nakaplano na ang mga bagay bagay.

Samantala, matatandaan na noong nakaraang taon, ay inamin ni Daniel na nais niyang pakasalan si Kath. At bago tumuntong sa edad na 30, ay bubuo na sila ng kanilang sariling pamilya. Ang bagay na ito, ang nais ring matupad ni Kath, at ang goal nga nila pareho ay bago tumuntong sa edad na 30, ay maikasal na sila at makabuo ng pamilya

.

Credits: Kathryn Bernardo | Instagram

Ngayon nga, ay makikita na tila pinaghahandaan na nila pareho ang future para sa kanilang pamilya na talaga namang nagsusumikap at todo kayod sa trabaho.

error: Content is protected !!