Connect with us

Entertainment

Kathryn Bernardo, Ibinahagi ang Taglay na Kagandahan ng Kanyang Ina sa Before and After Photo Nilang Mag-ina na Kuha 20 Taon na ang Nakakaraan

Isa nga sa itinuturing na espesyal na araw na talagang inaabangan ng mga ilaw ng tahanan ay ang Mother’s Day. Ito nga ay isang espesyal na araw upang bigyang pugay ang pagsisikap at sakripisyo ng isang ina sa pag-aalaga at walang kapantay na pagmamahal sa kanilang mga anak.

Photo credits: Kathryn Bernardo | IG

Kaya naman ang sikat na aktres na si Kathryn Bernardo ay nauna nang batiin at papurihan ang kanyang inang si Min Bernardo upang pasalamatan ang kabutihan at pagmamahal nito sa kanya bilang isang ina.

Photo credits: Kathryn Bernardo | IG

Sa Instagram ay ibinahagi ni Kathryn ang larawan na kuha 20 taon na ang nakakalipas, at isa namang larawan na kuha sa kasalukuyan. Sa nasabing post nga, ay binigyang diin ni Kathryn, ang kagandahang taglay ng kanyang ina na kahit 20 years na ang lumipas ay nanatili parin ang taglay nitong kagandahan.

“Recreating a photo that was taken years ago to celebrate my beautiful momma. Nothing much has changed (aside from my smile?) and she’s still as beautiful as she was 20 years ago!”

Hindi lamang nga panlabas na ganda ng kanyang Mommy Min ang pinapurihan ni Kath, kundi pati na rin ang pagiging isang mabuti at mapagmahal na ina nito, na kung saan napaka-supportive at palagi siyang ginagabayan sa bawat hakbang sa buhay na kanyang tatahakin.

“But more importantly, she remains to be the same supportive mom who always holds my hand and guides me every step of the way.”

Photo credits: Kathryn Bernardo | IG

Talaga namang napakapalad ni Kath sa pagkakaroon ng inang katulad ni Mommy Min na mahal na mahal siya at handang umagapay anumang oras. Isa rin namang mapalad na ina si Mommy Min, dahil nagkaroon siya ng isang anak na tulad ni Kath na responsable at mapagmahal na anak.

Photo credits: Kathryn Bernardo | IG

At noong nakaraang Marso nga, kung saan nagdiwang ng ika-25 taong kaarawan si Kathryn, ay ibinahagi ni Mommy Min sa social media kung gaano siya ka-proud sa kanyang anak. At bilang isang ina nga ni Kath ay talagang ipinagmalaki nito na lumaking isang matalino at maalagang tao ang kanyang anak.

Photo credits: Kathryn Bernardo | IG

Samantala, si Kath at ang kanyang boyfriend na si Daniel Padilla ay muling magbabalik tambalan sa teleserye. Hindi nga maitago ng magkasintahan ang kanilang excitement sa muli nilang pagbabalik tambalan. Ito ang teleseryeng “Together As One sa 2021” na alok sa kanila ng ABS-CBN, at ang nasabing teleserye ay noong nakaraang Disyembre pa pinag-uusapan.

“Excited kami sa teleserye na gagawin kasi ‘yung concept nun galing kay Gege (Juan Miguel Severo). So gusto namin ni DJ talaga. Medyo na-delay ‘yun kasi inaayos ‘yung script. We are happy because we are working on a project na gusto talaga namin ‘yung concept.”

error: Content is protected !!