Connect with us

Entertainment

Kathryn Bernard, Ibinahagi Kung Paano nila Dinisenyo ang Kanyang Christmas Tree para ngayong Taon na may Temang “Red Christmas

Ang “Christmas Tree” ay isa sa mga sumisimbolo na nalalapit na ang araw ng Pasko. Kaya naman ngayong taon, ay anigurado na marami sa atin ang nilabas na ang kanilang mga Christmas tree at abala na sa pag-aayos at pagde-decorate sa loob ng ating mga tahanan, upang maramdaman natin ang nalalapit na kapaskuhan.

At hindi nga magpapahuli dito ang Kapamilya Star na si Kathryn Bernardo, na nito lamang nakaraan ay ipinasilip na ang kanilang “Christmas tree” sa loobng tahanan.

Tila “Red Christmas” naman ngayon ang tema ng Pasko sa loob ng tahanan nina Kathryn Bernardo, ito ay dahil sa ipinakita nito na ang kanilang napakalaking white Christmas tree, ay puno ng mapupulang mga dekorasyon ngayon.




Sa pangalawang pagakakataon nga, ay ang event stylish na si Gideon Hermosa ang nag-decorate at Christmas tree ng aktres, kung saan ay talaga namang ang resulta nito ay muling napakaganda at nakakamangha.

Ibinahagi ni Kathryn sa kanyang Instagram account, ang kanilang larawan kung saan ay makikita ang dekorasyon na mayroon ngayon ang kanilang Christmas tree, na ang gumawa nga ay ang sikat na event stylish na si Gideon Hermosa.

Kalakip ng larawan na ito, ay ang caption ng aktres na;

“Christmas almost here! Grateful to have @gideonhermosa decorate our tree again this year. Our Christmas tree is actually seven years old! But he did such an amazing job transforming it and making it look brand new. Love you, gids!” [email protected]

Samantala, ibinahagi naman ng aktres sa kanyang latest vlog, kung bakit pula ang napili niyan tema ngayon para sa kanilang Christmas tree.

Ayon nga kay Kathryn, “something different” para sa kanya ang nais niya ngayong kapaskuhan, at dahil tila never pa silang nag-red Christmas, sapagka’t madalas n a blue ang tema nila tuwing pasko ay napagpasyahan niya nag awing “Red Christmas” ang tema ng Pasko nila ngayon. Ibinahgi rin ni Kath, na sobrang bata pa niya, noong huling nakulayan ng mga dekorasyoon na pula ang kanilang Christmas tree.

Sa naturang vlog din, ay ibinahagi ng event stylish ni Kath na si Gideon Hermosa, ang ilang mga tips, na hindi kinakailangang gumastos ng malaki, upang mapaganda at magmukhang kakaiba ang dekorasyon ng Chritmas tree.




Payo din ng event stylish na huwag basta-basta susunod sa uso, kapag nagde-decorate ng Christmas tree. Dahil ang kinakailangan talaga upang lumabas itong maganda, ay ibase mo ang magiging dekorasyon mo sa kulay ng Christmas tree mo, pati na rin sa personalidad mo.

“So importante na ‘yung personality niyo o nung buong family, makikita sa Christmas tree”, saad ni Gideon.

Mas mainam rin umano, na dalawang pangunahing kulay lamang ang gamitin, lalo na kung ang nais ay mas magmukha itong “elegant” at “classic”, dagdag pa nito.
Muli nga na namang humanga ang maraming mga netizens sa naakagandang Christmas tree ngayon nina Kathryn Bernardo sa loob ng kanilang tahanan, kung saan ay talaga namang damang-dama na ang nalalapit na kapaskuhan.

error: Content is protected !!