Connect with us

Entertainment

‘Katas ng halaman’: Certified Plantita na si Aubrey Miles, Ipinakita ang Naging Bunga ng Pagbebenta niya ng Kanyang mga Halaman

Ang sertipikadong plantita na si Aubrey Miles ay nakabili ng isang pag-aari mula sa kanyang mga kita mula sa pagbebenta ng mga halaman. Si Aubrey, ay kilalang isa sa mga artista dito sa Pilipinas na nahilig sa mga halaman. Sa isang post ni Aubrey sa Instagram noong Lunes, Disyembre 14, kasama ang kanyang asawa na si Troy Montero at ang kanilang dalawang anak na nagpalitrato sa bagong biniling lupain ni Aubrey.




Photo credits: Aubrey Miles | Instagram

Ayon kay Aubrey, ibinahagi niya kung bakit niya nakamit ang piraso ng lupain na ito. Ito ay dahil sa kanyang pagnenegosyo ng mga halaman, na mas tumataas ang interes ng mga tao dito dahil sa naging epekto ng pandemya. Dagdag pa niya, itong lupang kanyang nabili ay naging ‘KATAS NG HALAMAN’ at marami ang napamahanga dito, habang ang pandemya ay nagdulot ng malaking pinsala sa kalusugan at kaisipan ng mga tao.

Photo credits: Aubrey Miles | Instagram

“Would you believe parts of this investment ‘KATAS NG HALAMAN’? Maraming makaka relate dito,” saad nito

“Also, a health buff herself,

dagdag pa ni Aubrey,

“Samahan mo na din ng ‘health & wellness.’”

“Mental state this year. We only live forward. As long as you’ve got passion, faith, and are willing to work hard,”

Photo credits: Aubrey Miles | Instagram

Ibinahagi ni Aubrey na dahil sa kanyang paghahalaman ay nabubuhay silang mag-anak. Aniya, nasa ‘mental state’ ang mga tao ngayong taon, kaya dapat ipagpatuloy ang buhay sa kabila ng pandemiya. Kaya dapat lang na magtiwala sa sariling kakayahan at magsumikap upang mabuhay.




Umaasa siya na maging inspirasyon sa iba sa kung ano ang kanyang nakamit sa ngayon. Idinagdag pa niya, na maaaring gawin ang anumang nais sa buhay, dahil ang mga susunod na taon ay magiging isang mas mahusay na taon para sa lahat. Pasiglahin ang bawat isa at suportahan ang bawat isa. Naniniwala siya na makakayanan ng lahat ng tao ang mga ito. Kaya panatilihin ang hilig sa pagtatanim ng mga halaman at manatiling malusog sa bawat araw ng buhay.

Photo credits: Aubrey Miles | Instagram

Sa isang artikulo, pinasilip ni Aubrey ng kanyang ‘urban jungle home’ sa Quezon City na nakakuha ng maraming papuri mula sa mga netizens na mahilig sa halaman. Marami pang mga kilalang artista na sertipikadong plantitas ay kinabibilangan nina Jasmine Curtis, Kathryn Bernardo, Angelica Panganiban, at Jinkee Pacquiao.

error: Content is protected !!