Connect with us

Entertainment

Kasipagan at Pagiging Hands-on ni Mariel Padilla sa Kanyang Bagong Negosyo, Hinangaan ng mga Netizens

Ang aktres at TV host na si Mariel Rodriguez Padilla, ay ini-enjoy ngayon ang kanyang buhay bilang maybahay ng aktor na si Robin Padilla, at ina ng kanilang dalawang anak.

Ngunit, maliban rito ay abala rin ngayon si Mariel sa kanyang bagong negosyo na kanyang ipinasilip sa kanyang vlog na pinamagatang “MAY pera sa baka, negosyo ni Cooking Ina”.

Isa na ngang masipag at hands-on businesswoman si Mariel sa kanyang bagong negosyo. At ang negosyong ito ay ang pagbebenta ng imported na baka na mula pa sa ibang bansa tulad ng Brazil at Australia.

Photo credits: Mariel Padilla | Youtube

Sa nasabing vlog, ay proud na ipinakita ni Mariel ang kanyang kauna-unahang negosyo kung saan ay talagang pinaglalaanan niya ng oras. Ang negosyong ito, ay mula sa kanyang lolo at lola kung saan noong nag-aaral pa lamang siya ay nasa poder siya ng mga ito kung kaya’t pamilyar na siya sa pinasok na negosyo.

Photo credits: Mariel Padilla | Youtube

Maraming taon na rin ang nakalipas nang ipamana kay Mariel ang negosyong ito, ngunit hindi niya tinanggap noon dahil nga abala rin siya sa kanyang trabaho sa showbiz sa kaliwa’t kanang proyekto. At ngayong panahon ng pandemya, kung saan nasa loob lamang siya ng bahay at walang ibang pinagkakaabalahan, ay nabigyan ng pagkakataon si Mariel na tanggapin at maharap ang negosyo.

Photo credits: Mariel Padilla | Youtube

Isa naman sa dahilan kung bakit na niya tinanggap ang negosyo ng kanyang lolo at lola, ay dahil pangarap niya talagang ipagpatuloy ang negosyong nasimulan ng mga ito. At ang negosyong ito nga, ay ipinagkakatiwala rin ng kanyang lolo at lola sa kanya.

Photo credits: Mariel Padilla | Youtube

Photo credits: Mariel Padilla | Youtube

Maliban nga sa dahilang ito, ay may isa pang dahilan si Mariel. At ito ay ang makatulong sa kanyang asawang si Robin Padilla sa pag-aaral ng kanilang mga anak. Pangarap kasi ni Mariel na ipasok ang kanyang dalawang anak sa magandang eskwelahan ngunit may kamahalan ang tuition fee. Dahil nga, nahihiya sa kanyang asawang si Robin, ay gusto rin ni Mariel na may maitulong siya sa gastusin ng kanilang pamilya.

Photo credits: Mariel Padilla | Youtube

Samantala, inspirasyon naman ni Mariel sa kanyang negosyo ang kasipagan ng kanyang lolo at lola.

“I grew up with my lolo and lola, every single day ‘yun and up to this day, nagtatrabaho sila.”

Kaya naman, katulad ng mga ito ay ipinapamalas rin ni Mariel ang kanyang kasipagan at pagiging hands-on sa kanyang negosyo, bagay na hinangaan ng mga netizens.

Photo credits: Mariel Padilla | Youtube

Pag-amin naman ni Mariel, ay hindi madali ang kanyang pagsisimula ng negosyo dahil hindi niya alam kung kikita siya o babalik ang perang kanyang ipinuhunan. Sa kabila nito, ay hindi naman nawalan ng pag-asa si Mariel sa pagbebenta ng mga baka. Makikita naman na talagang napakahusay ni Mariel sa pagbebenta, dahil madalas ma-sold out ang kanyang mga paninda. Marami na rin ang mga customer ni Mariel, at ang mga ito nga ay binabalik-balikan ang masarap niyang timplang baka.

Photo credits: Mariel Padilla | Youtube

Photo credits: Mariel Padilla | Youtube

Sa kabila ng pagod at puyat sa paghahanda ng mga orders ni Mariel, ay hindi naman siya nawawalan ng oras sa kanyang mga anak, na kung saan, ay talagang isa rin siyang hands on nanay sa kanyang mga anak.

error: Content is protected !!