Connect with us

Entertainment

“Kasi matumal ngayon. Parang mahirap talaga ngayon”: JC Santos, Ibinahagi Na Tuloy Ang Planong Mag-mitrate sa Australia Kasama Ang Pamilya Dahil Sa Epekto Ng Pandemya

Hindi naman talaga maikakaila na marami ang naapektuhang kabuhayan ng pandemya. At sa hirap nga na nararanasan, ay naghahanap ang marami ng magandang oportunidad. Isa na nga rito ang aktor na si JC Santos, na apektado ng pandemya ang kanyang trabaho kung kaya’t may planong mag-migrate na lamang sa Australia kasama ang kanyang pamilya.

Credits: JC Santos | IG

Sa naganap na virtual presscon ng kanyang pelikulang “More Than Blue”, ay ibinahagi ni JC na tuloy parin ang plano niyang mag-migrate sa Australia.

Pag-amin nga ni JC, ay talagang naapektuhan ng pandemya ang kanyang trabaho bilang artista. May mga pagkakataon raw na maraming plano ng shooting ngunit hindi ito natutuloy dahil sa ipinapatupad na protocols.

“Nasa line up ko pa rin siya just in case, kasi matumal ngayon. Parang mahirap talaga ngayon. Kumbaga, maraming plans of shooting pero wala actually nangyayari minsan. Tapos minsan, nauusog dahil sa mga protocol.”

Credits: JC Santos | IG

Sa ngayon ay hindi pa tiniyak ni JC kung kailan siya magma-migrate sa Australia kasama ang kanyang asawang si Shyleena Herrera at ang kanilang anak. Ngunit, ayon sa aktor, kung hindi ngayong taon ay baka sa susunod na taon matuloy ang plano niyang mag-migrate.

“If worse comes to worst, may plano. If ever, hindi pa alam kung this year or next year. Eventually, we’ll see.”

Nagkwento rin ang aktor na minsan na rin niyang binalak umalis ng Pilipinas at manirahan sa Hongkong. At ang plano pa nga raw ni JC noon, ay hindi na siya babalik pa ng Pilipinas. Mabuti na lamang nga at hindi natuloy ang plano niyang manirahan sa Hongkong, dahil naging maganda ang takbo ng kanyang karera at natagpuan pa niya ang kanyang kaligayahan sa piling ng kanyang asawa at anak.

Credits: JC Santos | IG

“Ako nagplano na akong tumira sa ibang bansa, as in nag-decide na akong mag-stay sa Hong Kong kasi akala ko mag-aasawa na ako no’n. I was 25 then and eventually may nangyari. Tapos nanaig yung pangarap. Plano ko nang mag-stay doon na parang hindi na ako babalik ng Pilipinas kahit kailan,” pahayag ni JC.

“Mabuti na rin lang hindi natuloy. Buti na lang din hindi natuloy,” dagdag pa ni JC.

Ang pelikulang “More Than Blue” ay pagbibidahan ni JC Santos, kung saan makakasama niya ang aktres na si Yassi Pressman. Ang nasabing pelikula ay local adaptation ng South Korean hit movie na ipinalabas noong 2009.

Credits: JC Santos | IG

Nagkwento rin ng ilang detalye si JC patungkol sa kanyang karakter sa pelikula bilang K. At sa nasabing pelikula ay isinakripisyo nito ang kanyang sariling kaligayahan sa para ibang tao. Ngunit, pag-amin ng aktor ay hindi niya ito kayang gawin sa tunay na buhay dahil hindi siya ganun katapang kagaya ng kanyang karakter sa pelikula.

“Ako, hindi ako ganun katapang para gawin yung decisions ni K. I’m going to enjoy every moment until the last, parang ganun. Ibang klaseng pagmamahal kasi yung ginawa nung karakter ko sa film, yung magpaplano ka na ng future para sa iba.”

“Ewan ko, siguro baka pag nando’n na ako I might probably do the same pero for now hindi ko siya maisip.”

error: Content is protected !!