Connect with us

Entertainment

“Kasi if he can’t fight for himself, I’m gonna fight for him”: Janella Salvador, Ipinagtanggol Mula sa mga Bashers ang Kanyang Anak na si Baby Jude

Ang aktres at ngayon nga ay isa nang ganap na ina na si Janella Salvador, ay talaga namang inienjoy ang kanyang pagiging mommy sa kanyang napakacute na baby boy na si Jude Trevor.

Matapos nga isapubliko ang pagiging isa nang ganap na ina ni Janella, ay hindi na mawalay sa piling niya ang kanyang anak. At bilang isang ina ay tunay nga na hindi matatawaran ang pagmamahal ni Janella sa kanyang anak kung saan ay handa niya itong ipagtanggol at protektahan sa abot ng kanyang makakaya.

At nito lamang ika-2 ng Hulyo sa kanyang panayam sa programang Magandang Buhay, ay binalikan ni Janella ang kanyang ipinakitang tapang para sagutin ang mga negatibong komento na ibinabato ng mga bashers sa kanyang walang kamuwang-muwang na anak na noon ay limang buwang gulang pa lamang.

Matatandaan na pinagkatuwaan o ginawang katatawanan ng ilang netizen ang anak ni Janella at boyfriend nitong si Markus noong nakaraang buwan ng Abril. At bilang mga magulang nga ni Baby Jude, ay hindi nila hinayaang ibash ang kanilang anak kaya naman todo ang ginawang pagprotekta nila sa kanilang anak.

Photo credits: Janella Salvador | IG

Kwento nga ni Janella, ay hindi niya alam kung anong mararamdaman niya nang makitang pinagkakatuwaan ang kanyang anak na wala namang kaalam-alam sa mundong ibabaw.

“Actually, at first, yung reaction ko when I saw it was… Hindi ko alam yung mafi-feel ko, kasi parang, ‘Ano ba ito? Joke ba ito?’Why would you joke about it? Yun yung una kong naging reaction. And then, eventually, parang na-realize ko, it’s not right. Hindi tama.”

Photo credits: Janella Salvador | IG

Dagdag pa nga ng new mommy, ay handa sila ni Markus na kasuhan ang nambabash sa kanilang anak upang maturuan ito ng leksyon.

“Kailangan, kung sino man ‘to, matutunan niya yung lesson niya kasi ako naman, sanay na ako sa pambabash.”

Photo credits: Janella Salvador | IG

Ayon pa nga kay Janella, ay sanay naman siya sa mga panghuhusga ngunit kapag ang kanyang anak na walang kamalay-malay ang pag-uusapan na hindi kayang ipagtanggol ang sarili, ay siya na mismo ang lalaban para dito.

“Lahat naman tayo in the industry pero… if it’s directed at me, sige, okay lang, dededmahin ko. Pero huwag naman sa anak ko na walang kamalay-malay. Kasi if he can’t fight for himself, I’m gonna fight for him.”

Maging ang Star Magic na talent management arm ng ABS-CBN na humahawak sa Janella at Markus, ay magbibigay ng legal action laban sa sinumang mangbabash kay Baby Jude.

Photo credits: Janella Salvador | IG

Samantala, nagpasalamat naman si Janella sa kanyang partner na si Markus sa pagiging isang responsable at mapagmahal na ama sa kanilang anak na si Baby Jude. Kwento nga ni Janella sa Magandang Buhay, ay napaka-hands on ni Markus kay Baby Jude magmula sa pag-aalaga hanggang sa kanilang masayang bonding moments.

“Ever since from the start, he was there ready to help and ready to learn so many new things as a dad. Yung talagang eager siya to learn how to become a good dad.”

“Alam niyo yung basta-basta lang nandiyan siya, you know, nakatayo lang siya… gusto niya yung marunong siya magpalit ng diaper, marunong siya sa lahat.”

Matatandaan na noong taong 2019 nang maging opisyal ang relasyon nina Janella at Markus bilang magkasintahan. At noong June 2020, ay kumalat ang balita na buntis umano si Janella kaya naman bigla itong nawala at lumipad patungo sa ibang bansa. At noong October 2020 nga, ay kinumpirma sa ulat ng Pep.ph, na nagsilang ng isang malusog na baby boy si Janella.

error: Content is protected !!