Connect with us

Entertainment

Karla Estrada, Proud Na Ipinakilala sa Publiko Ang Lolo at Lola Ng Kanyang Tatlong Anak Na Sina Daniel, Carlito At Magui

Hindi maikakaila na ang angkan na ating pinagmulan ay malaking bahagi ng ating pagkatao. Masarap naman talagang balikan ang pinagmulan ng bawat pamilya dahil dito natin malalaman ang klase ng pamilya na ating pinagmulan.

Credits: Karla Estrada | IG

Kaya naman, ang aktres na si Karla Estrada ay proud na ibinahagi sa publiko ang kanyang angkang pinagmulan. At ito nga ang lolo at lola ng kanyang tatlong anak na sina Daniel Padilla, Carlito at Magui. Sa isang post sa Instagram ay may pagmamalaking ipinakilala ni Karla sa publiko ang lolo at lola ng kanyang mga anak.

Sa kanyang post, ay ibinahagi ng TV host ang lumang larawan ng lolo at lola ng kanyang mga anak, kung saan ay inihambing niya sa larawan ng kanyang mga anak. At mapapansin nga na may hawig sa kanilang lolo at lola ang tatlong anak ni Karla.

Credits: Karla Estrada | IG

Ayon naman kay Karla, ang Lolo Jose nina Daniel at Jose Carlito ay dating Gobernador ng Bulacan kung saan ay nanungkulan mula taong 1928-1931 at muling nahalal noong 1934-1937.

“Mga momshie eto naman ang Great Grandfather ng mga anak ko na sina Daniel Padilla at Jose Carlito. Ang Lolo Jose nina Daniel at Jose Carlito ay naging Gobernador ng Bulacan noong 1928-1931 at muling nahalal noong 1934-1937,”saad ni Karla.

Dagdag pa nga ni Karla, marahil raw ay sa kanilang Lolo Jose nakuha ng kanyang dalawang binatang anak na sina Daniel at Carlito ang pagiging makatao, maprinsipyo at pagiging matulungin. Tila nga, hindi naman na ito maikakaila dahil ang sikat ma si Daniel ay hinahangaan ng marami dahil sa magagandang katangian. Ito ay

“Alam na natin saan nanggaling ang pagiging makatao, maprinsipyo, matulu hin at may puso sa kapwa sina supremodp at sprakenheighten. Ito ay nananalaytay sa dugo at katauhan ng kanilang mga ninuno na naipasa sa bawat henerasyon ng PAMILYA PADILLA.”

Credits: Karla Estrada | IG

Samantala, kung ang dalawang binatang anak ni Karla na sina Daniel at Carlito ay may pinagmanahan sa angkan ng Padilla, ang dalagang anak naman ni Karla na si Magui ay hindi rin magpapahuli. Ayon nga kay Karla, ang taglay na kagandahan at katalinuhan ni Magui ay namana nito sa kanyang Lola Carmen Planas na tinaguriang Manila’s Darling.

View this post on Instagram

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121)

“Mga Momshies, alam niyo ba kung kanino nagmana ng beauty and intelligence itong daughter ko na si Magui? Well, bukod sa akin.. hehe mukhang sa great grandmother niya rin ito nakuha. Aba apo lang naman sa tuhod ni Ms. Carmen Planas si Magui. Si Ms. Carmen Planas po ang tinaguriang Manila’s Darling at ang unang babaeng nahalal sa Capital City Municipal Board ng City of Manila.”

Proud na proud nga si Karla na ipinakilala ang kanyang Lola Carmen. Dahil nga, bukod sa taglay nitong kagandahan ay maganda rin ang karera nito bilang isang abogado, at pulitiko. Kaya naman, umaasa rin si Karla sa susunod sa yapak ng kanyang Lola Carmen ang kanyang anak na si Magui.

Credits: Karla Estrada | IG

“Bongga! Isang huwarang abogado, pulitiko at nagseserbisyo sa bayan! San ka pa? Ang wish ko lang, sana sa susunod na henerasyon, masundan ni Magui ang mga yapak ng kanyang Lola Carmen. Go Magui! PLS READ THE BIO OF HON. CARMEN PLANAS. Astig!! Nakakaproud maging BABAE.”

error: Content is protected !!