Connect with us

Entertainment

Karla Estrada At Kanyang Non-showbiz Boyfriend Na Si Jam Ignacio, Nagdiwang Ng Kanilang 1st Anniversary

Sa kabila ng nararanasang krisis ngayon sa bansa ay buhay na buhay naman ang buhay pag-ibig ng Magandang Buhay host na si Karla Estrada. At maging ang ipinapatupad na quarantine ay hindi napigilan ang pagdiriwang ng pagmamahal sa isa’t isa nina Karla at non-showbiz boyfriend na si Jam Ignacio. Masayang-masaya ang dalawa dahil ang espesyal na araw na ito ay ang pagdiriwang ng kanilang 1st Anniversary.




Agosto ng taong 2019, una namang nasilayan ng media ang non-showbiz boyfriend ni Momshie Karla na si Jam nang maging special guest ito ni Karla sa anniversary ng resto-bar business ng anak niyang si Daniel Padilla. Nang gabing iyon, kitang-kita ang mga ningning sa mga mata ni Karla, na hindi maikakaila na may isang taong nagbibigay ng kilig at kasiyahan sa kanya. At doon na nga, nagsimulang umugong ang usap-usapan tungkol kay Karla at non-showbiz boyfriend na si Jam.

At kamakailan nga, ay nagdiwang ang dalawa ng kanilang 1st anniversary bilang magkasintahan. At upang ipagdiwang ang espesyal na araw na ito ay nagkaroon sila ng isang romantic dinner date na ginanap sa bahay.

Sa Instagram, ibinahagi ni Karla ang kanyang labis na kaligayahang nadarama na talagang mababakas ang tunay na pagmamahal para sa kanyang boyfriend. Ibinahagi rin ni Karla ang ilang sweet na larawan nilang dalawa na kuha sa nasabing dinner date.




“My heart tell me that true love really exists! This is a year worth celebrating! Happy 1st anniversary, love. Looking forward to 800 more years with you. I love you,” sweet message ni Momshie Karla sa post.

Talaga nga namang makikita na nagmamahalan ang dalawa at mababakas naman ang kaligayahan sa mukha ng bawat isa. At sa muling pagtibok ng puso ni Karla sa katauhan ng kanyang nobyo, muli niyang naranasan ang isang tunay na pag-ibig. Si Jam Ignacio ang nagbibigay ngayon ng ngiti sa mga labi ni Karla at nabibigay rin ng ningning sa mga mata nito.

Naging usap-usapan rin kamakailan ang tila plano nang pagpapakasal nina Karla at non-showbiz boyfriend nito matapos magpost si Momshie Karla ng larawan ng couple rings sa social media.

error: Content is protected !!