Connect with us

Entertainment

Karen Davila, Pinasaya at Sinurpresa Ang Isang Grab Driver Na May Kapansanan Matapos Biyayaan Ng Maagang Pamasko

Hindi lamang nga mga kwento na puno ng inspirasyon ng mga sikat na artista sa showbiz ang tampok sa mga video na mapapanood sa YouTube Channel ng kilalang journalist na si Karen Davila. Dahil maliban dito, ay mapapanood rin sa kanyang mga vlog ang kanyang pagtulong sa mga taong nangangailangan.

Credits: Karen Davila | YT

At sa nalalapit nga na pagsapit ng araw ng Pasko, ay hindi pinalampas ni Karen ang pagkakataon na makatulong sa kapwa. Sa kanyang episode na Christmas Love, ay tampok ang pagbibigay niya ng maagang handog na pamasko sa isang grab driver na may kapansanan.

Puno ng inspirasyon ang kwento ng grab driver na ito dahil sa kabila ng kanyang kapansanan ay nagsusumikap siya sa paghahanapbuhay para magampanan ang kanyang tungkulin bilang haligi ng kanilang tahanan.

Credits: Karen Davila | YT

Ito nga ang kwento ng grab driver na si Marlon Fuentes. At latest vlog ni Karen ay marami ang pinahanga ni Marlon dahil sa kanyang taglay na kasipagan sa kabila ng kanyang kapansanan para lamang may maipakain sa kanyang pamilya.

Sa unang bahagi ng video ay nagkaroon ng madamdaming pag-uusap sina Karen at Marlon, kung saan nga ay nagkwento ang huli tungkol sa hirap na pinagdaanan nito sa buhay, lalo na nga bilang isang grab driver na may kapansanan. Si Marlon ay may kapansanan na tinatawag na Tourette Syndrome, kung saan nakakaranas siya ng paulit-ulit na paggalaw o kilos na hindi niya kontrolado.

Mapapanood naman sa Youtube channel ni Marlon ang kanyang dokyumentaryo ng kanyang karanasan sa iba’t ibang klase ng pasahero. Hindi nga maiwasan ni Marlon ang maluha habang nagkukwento ng kanyang naranasan matapos makatanggap ng pangungutya mula sa ibang tao.

Credits: Karen Davila | YT

Kwento nga ni Marlon, noong una raw ay talagang nahihirapan siyang makakuha ng pasahero bilang grab driver dahil ang ilan nga sa mga ito ay natatakot kapag nakikita ang kanyang kilos na hindi niya makontrol. At para malaman at maintindihan ng kanyang mga pasahero ang kanyang sitwasyon, ay may nakapaskil siyang karatula sa likuran ng kanyang upuan.

Kung ang ilan ay natatakot sa tuwing sumasakay sa kanya, at duda sa kanyang kakayahan bilang isang grab driver, may ilan namang proud at talagang humahanga sa kanyang kasipagan at pagsusumikap sa paghahanapbuhay.

Credits: Karen Davila | YT

Maging si Karen nga ay talagang napahanga ni Marlon sa kanyang kasipagan sa kabila ng kanyang kapansanan. Kaya naman isang surpresa ang inihanda ni Karen para mapasaya ito at ang pamilya ni Marlon ngayong pasko.

At upang pasayahin si Marlon at pamilya nito ay nagbigay si Karen ng napakaraming grocery items bilang panimula sa kanilang munting kabuhayan na Sari-sari store. Nabigyan rin ang misis ni Marlon ng baking tools dahil pangarap na nitong maging isang baker, at dagdag kabuhayan na rin.

Dahil nga sa natanggap nilang maagang pamasko mula kay Karen, ay labis nga ang pasasalamat ni Marlon sa biyayang ipinagkaloob sa kanila. Sa huli, ay naisip rin ni Marlon na ipamahagi sa kanyang mga kapitbahay ang biyayang kanilang natanggap.

Credits: Karen Davila | YT

“Maraming Salamat po Ms.Karen sa maagang pamasko po sa amin ng pamilya ko, at sa puregold maraming maraming salamat din po tunay po na purong ginto po ang inyong puso.”

error: Content is protected !!