Connect with us

Entertainment

Karen Davila At Lyca Gairanod, Namahagi Ng Tulong Sa Kumonidad sa Magkasabay Na Pagdiriwang Ng Kanilang Kaarawan

Marami nga ang nakaabang sa pangako ng newscaster na si Karen Davila sa young singer na si Lyca Gairanod. Matatandaan sa nakaraang vlog ni Karen, na matapos niyang malaman na magkasabay pala ang kanilang birthday ni Lyca, ay nangako ang newscaster na siya ang maghahanda sa pagdiriwang ng kanilang kaarawan.

At dahil sa nakakatuwang reaksyon ni Karen nang malaman niyang parehong petsa ang kanilang birthday, ay nag-viral pa ang nasabing vlog at may mga nagsilabasan ring memes sa social media patungkol dito.

Hindi naman binigo ni Karen ang mga nakaabang na netizens sa magkasabay na pagdiriwang nila ni Lyca. Sa halip nga na sa mismong araw ng kanilang birthday nitong Nobyembre 21 ganapin ang selebrasyon, ay mas napaaga nga ang naging pagdiriwang ang kanilang birthday.

At nito lamang ika-20 ng Nobyembre ay naganap na ang pinakainaabangang magkasabay na pagdiriwang ng kaarawan nina Karen at Lyca. Sa isang vlog na ibinahagi ni Karen kamakailan sa kanyang YouTube channel, ay tampok ang masayang pagdiriwang ng kaarawan nilang dalawa.

Hindi lamang nga sina Karen at Lyca ang naging masaya sa kanilang espesyal na araw, dahil napasaya rin nila ang mga residente sa barangay ni Lyca sa Cavite. Naging makabuluhan ang magkasabay na pagdiriwang ng kaarawan nina Karen at Lyca, dahil sa espesyal na araw na ito ay mas pinili nilang mamahagi ng tulong sa mga taong nangangailangan.

At dahil nga hindi pa tapos ang pandemya, ay marami pa rin ang nangangailangan ng tulong kung kaya’t ito na nga ang naisip nilang gawin para sa pagdiriwang ng kanilang birthday.

“For this birthday, I didn’t want it to be about me and Lyca. But we wanted it to be about other people. May pandemya po tayo ngayon and what we wanted to do is help people and give them gifts.”

Makikita nga na ilan sa mga ipinamahagi nina Karen at Lyca sa mga kabarangay ng young singer ay bisikleta, mobile phones, pocket wifi at tshirt. Hindi rin siyempre mawawala ang masasarap na pagkaing inihanda nina Karen at Lyca para sa mga nakibahagi sa kanilang masayang pagdiriwang. Dumalo rin sa masayang pagdiriwang ng kaarawan nina Karen at Lyca ang TV host na si Gretchen Ho at YouTuber na si Small Laude.

May inihanda ring isang kahanga-hangang performance si Lyca sa kanyang mga bisita kung saan nga ay narinig ang kanyang magandang tinig.

Sa nasabing vlog, ay ibinahagi rin ni Karen ang pinakamagandang regalo na kanyang natanggap sa taong nakalipas. Bukod nga sa magandang relasyon sa Diyos, ay ipinagpasalamat rin niya ang kaligtasan ng kanyang buong pamilya.

“I am so blessed and grateful for the many things in my life and I want to start, first, it’s really my relationship with the Lord. Alam niyo po this past year, my relationship with the Lord really grew and that is the biggest gift I ever.”

Credits: Lyca Gairanod | IG

“And another thing is there is so much to be grateful for, my kids, my family, lahat po kami, we are safe. Sometimes we don’t need much in life. What’s important is we don’t forget what we have.”

 

error: Content is protected !!