Connect with us

Entertainment

Mark Herras, Ibinida ang mga Naging Karanasan sa Kaniyang Buhay May-Asawa, Ibinibigay ang Buong Sahod sa kanyang Misis

Hindi maipagkakaila na napakaraming bagong bagay ang natututunan at nararanasan ng mga tao nang sila ay mag-asawa at magkaroon ng sariling pamilya. Ang mga bagay na mistulang hindi natin magawa noon ay nakakayang malampasan ngayon.

Photo credits: Mark Herras | IG

Nababago rin ang ating mga pag-uugali at pananaw sa buhay. Para sa ibang tao, mas nagiging responsable sila at mas nagsusumikap sa kanilang sariling propesyon o kabuhayan upang masiguro na maibibigay nila ang komportable at masayang buhay sa kanilang mga mahal sa buhay.

Hindi rin naiiba rito ang mga karanasan ng mga sikat na personalidad sa bansa. Maging sila ay nagbabahagi rin ng mga aral na kanilang nakuha mula sa kanilang pagiging pamilyadong tao.

Photo credits: Mark Herras | IG

Matatandaan na noong Setyembre 2021 nang ikinasal ang aktor na si Mark Herras at ang kaniyang kasintahan na si Nicole Donesa. Sa isang interview, ibinahagi niya na marami ang naging pagbabago sa kaniyang buhay at pag-uugali mula nang siya ay maging isang tatay at asawa kaya naman ibinahagi niya ang kaniyang karanasan at buhay may-asawa upang makapagbigay ng payo sa ibang tao.

Photo credits: Mark Herras | IG

Pagdating sa usapin ng pera, ibinunyag niya na ibinibigay niya sa kaniyang asawa ang kaniyang buong sahod. Humihingi lamang siya rito sa mga pagkakataong mayroon siyang kailangang bilhin. Ang kaniyang asawa naman ang bahalang mag-budget sa pera na ito.

Photo credits: Mark Herras | IG

Gaya rin ng lahat ng mag-asawa, hindi maiiwasan ang mga hindi pagkakaunawaan. Kung dati raw ay hindi agad naaayos ang kanilang mga tampuhan, ngayon ay nagtutulungan ang mag-asawa upang maresolba ito.

Photo credits: Mark Herras | IG

Bukod dito, isa rin sa mga naging karanasan ni Mark ang pag-aalaga ng kanilang sariling anak. Ayon sa kaniya, natutunan niya ang simpleng pag-aalaga sa kaniyang anak na si Corky gaya ng pagpapaligo at pagpapakain kaya naman masasabing talagang maaasahan ang aktor bilang katuwang ng kaniyang asawa sa pag-aalaga ng kanilang lumalaking pamilya

Dagdag pa ni Mark, “Pero sa anak ko, instinct talaga kung paano ka maging tatay—kung paano mo siya bubuhatin, paano mo siya iingatan.”

Photo credits: Mark Herras | IG

Talaga namang kahanga-hanga ang pagiging hands-on ng aktor sa pag-aalaga ng kaniyang pamilya. Masasabing napakaresponsable rin nito dahil sa kaniyang pagsusumikap sa trabaho upang patuloy na mabigyan ng komportableng pamumuhay ang kaniyang pamilya. Tunay nga na napaka-swerte ni Nicole sa kaniyang asawa.

error: Content is protected !!