Connect with us

Entertainment

Kapuso Star Janine Gutierrez, Ipinasilip ang kanyang Napakaganda at Cozy Condo Unit

Marami na nga sa ating mga iniidolong artista sa industriya ng showbiz ang pinasok na rin ang mundo ng vlogging upang magbigay ng update sa kanilang mga tagahanga. At madalas ngang tampok sa kanilang vlog ay ang mga bunga ng kanilang pagsusumikap katulad na lamang ng kanilang mga naggagandahang mga bahay.

At gaya nga ng ilang celebrity, pinasok na rin ng Kapuso Star Janine Gutierrez ang mundo ng vlogging na talaga namang naeenjoy nya. Sa kanyang unang vlog nga, tampok ang house tour ng kanyang napakagandang tahanan.
Bawat sulok ng kanyang tahanan ay ibinahagi ng aktres, maging ang mga mahahalagang bagay sa buhay niya at paboritong kagamitan na makikita sa loob nito.




“We’re live!! Part two of what we’ve been working on – our own YouTube channel! Starting it off with my home tour as the first video.”

Makikita ang simple ngunit klasikong disenyo sa loob ng kanyang tahanan. Nakakarelax rin ang ambience sa loob ng tahanan ng aktres dahil sa magandang kombinasyon at kulay ng napili niyang disenyo sa pader.

Kapansin-pansin na mahilig si Janine magdisplay ng mga bagay na maipagmamalaki ng kanyang pamilya. Katulad na lamang ng tropeyo ng kanyang amang si Monching at larawan ng kanyang inang si Lotlot. Ang larawan naman ng kanyang Mamita na si Pilita Corrales ay kasama sa mga larawang nakadisplay sa photo wall.

Photo credits: Janine Gutierrez | Youtube Channel

Sa dining area at kusina naman ng aktres, bagama’t maliit ang espasyo ay sakto naman para sa kanyang mag-isang nakatira rito. Makikita sa kusina ang isang old school SMEG refrigerator na napakacute tingnan dahil hugis nitong biluhaba at kulay mapusyaw na asul. Ang sahig naman ng kusina ay may wooden panels.

Photo credits: Janine Gutierrez | Youtube Channel

Ang dining table naman ay nabili lamang ng aktres sa murang halaga na gawa ng local artisan at dito nga siya madalas kumain.




Photo credits: Janine Gutierrez | Youtube Channel

Samantala, ang nag-iisang bedroom sa tahanan ng aktres ay pinaganda naman napakagandang disenyo ng accent wall. May mini walk in closet rin ang aktres, kung saan matatagpuan ang kanyang mga make up, accesories, bags at iba pa niyang kagamitan.

Photo credits: Janine Gutierrez | Youtube Channel

Kapansin-pansin rin ang mga paintings na may ocean concept na makikita sa tahanan ng aktres. Ito nga ay dahil najs niyang maramdaman nasa isang resort lamang siya upang nakakarelax at may magandang vibes.
Talaga namang napakaganda ng munting tahanan ni Janine na punong-puno ng mga mahahalagang bagay sa buhay niya. At ang kanyang tahanan ay talagang sumasalamin sa kanyang katauhan na nagpapakita ng kanyang interes at passion.

error: Content is protected !!