Connect with us

Showbiz

Kapuso ‘Showbiz Couple’ Janine Gutierrez At Rayver Cruz Inamin na Hindi pa Handang Magpakasal

Published

on

Namataang nagpunta sa Paris ang mga Kapuso Artist na si Janine Gutierrez kasama ang kasintahang Kapuso Dancer na si Rayver Cruz. Marami ang nag-akala na magtatapat na ang binata at aalukin na ng kasal sa lugar na kilala bilang City of Lovers. Subalit nabigo ang mga fans ng showbiz couple.



Ibinahagi ni Janine, ang gwapong aktor mismo ang nag-ayos ng lahat para kanilang bakasyon sa Paris na talaga namang ikinatuwa ng 30 taong gulang na commercial model kung saan nag-celebrate din siya ng kanyang kaarawan.

Ayon pa nga Kapuso Host na sobrang nag-effort si Rayver para sa kanilang romantic vacation, Nagresearch siya. Nagpareserve sa mga restaurant. Parang proud din siya sa sarili niya. Dapat daw na itweet ko na ginalingan talaga niya.

Sa katunayan wala daw sa plano ang nasabing paris vacation at birthday celebration dahil pumunta ang Kapuso GMA artist para sa isang proyekto. Naimbitahan si Janine para isang fashion week, kaya ikinagulat niya na sumunod na pala ang kasintahan at may surpresa pala ito para sa kanyang kaarawan.

At sa isang interview pa nga sa bida ng “Dragon Lady” inamin niyang hindi pumasok sa isipan niya na aalukin na siya ng kasintahang si Rayver para magpakasal noong sila ay nasa Eiffel tower na.



At ayon pa nga sa dalaga, Alam naman niyang hindi pa kami handang dalawa. Hindi naman sinasadya habang sila ay naroon din may nakita silang dalawang magkasintahan na nagpropose habang sila ay namamasyal sa eiffel tower.

Sa kabilang banda seryosong ipinagtapat ni Janine hindi pa siya talaga handa na ibigay ang kanyang matamis na OO, kung sakali man na magyaya ang kasintahan na magpakasal na silang dalawa. May mga personal pa siyang dapat gawin para sa kaniyang pamilya.

Samantala suportado naman ang dalawa ng kanilang mga tagahanga at humahanga sila sa showbiz couple sa itinatakbo ng kanilang relasyon maging ng kanilang mga career. Ilan mga positibong pahayag pa ang ibinigay nila para sa mga iniidolo, katulad ng Perfect Combination at Naghihilahan sila pataas. Bukod pa dito itinuring din silang favorite celebrity couple ng ilang tagahanga.



Kung tutuusin hindi naman na talaga nakakapanibago ang mga katulad nila Janine at Rayver na parehong nasa mundo ng showbiz, nandiyan ang kapwa Kapuso Artist na sina Derek Ramsay at Andrea Torres na masaya din ang relasyon. Patunay lang na hindi hadlang ang pagkakaroon ng parehong propesyon upang magkaroon ng matagumpay na relasyon sa harap man o sa likod ng kamera.

error: Content is protected !!