Connect with us

Entertainment

Kapuso Primetime Queen Marian Rivera Kuminang ang Walang Kupas na Ganda sa Kanyang Birthday Photoshoot

Tinaguriang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera, ipinagdiwang na ang kanyang ika-38 taong gulang na kaarawan. Nagkaroon ng isang bonggang birthday photoshoot kung saan muli niyang ipinamalas at pinakinang ang walang kupas niyang kagandahan.

Photo credits: Marian Rivera Gracia Dantes|IG

Sa nakalipas na araw ng Biyernes, ika-12 ng Agosto ay ipinagdiwang ni Marian Rivera ang kanyang ika-38 taong gulang na kaarawan. Minarkahan naman niya ang espesyal na araw na ito sa kanyang buhay sa pagbabahagi ng mga nagagandahan niyang larawan na kuha sa naging birthday photoshoot niya, dahilan para mapa-wow ang maraming mga netizens.

Photo credits: Marian Rivera Gracia Dantes|IG

Talaga namang kahanga-hanga ang kagandahang taglay ng Kapuso actress sa kanyang mga larawan, na kinunan ni Charisma Lico-Santos.
Maliban sa kanyang walang kupas na ganda, ay pina-wow din ni Marian ang marami niyang mga tagahanga at mga netizens dahil sa taglay niya pa ring kaseksihan sa kabila ng batid ng marami na siya ay mayroon ng dalawang anak. Sa kanyang suot na mga outfit sa ginawa niyang birthday photoshoot, ay maaaninag ang napakagandang hubog ng kanyang katawan.

Photo credits: Marian Rivera Gracia Dantes|IG

Photo credits: Marian Rivera Gracia Dantes|IG

Ibinahagi mismo ni Marian sa kanyang Instagram account ang ilan sa mga larawan niya, at ito ay nilakipan niya ng caption kung saan nagpaabot siya ng pasasalamat sa lahat ng mga taong nakaalala siyang batiin sa espesyal na araw ng kanyang buhay.

“Thank you for all your birthday greetings and wishes. Beyond grateful for all of you”, saad ni Marian sa kanyang IG post.

Photo credits: Marian Rivera Gracia Dantes|IG

Tunay namang napakaraming nagmamahal sa Kapuso actress, dahil bumuhos ang napakaraming birthday greetings para sa kanya na mula sa kanyang mga tagahanga at maging mga kasamahan sa industriya ng showbiz.

Photo credits: Marian Rivera Gracia Dantes|IG

Ilan sa mga celebrity na nagpaabot ng birthday greetings kay Marian ay sina Anne Curtis, Sarah Lahbati, Bianca Gonzales, Iya Villania at marami pang iba.
Siyempre, hindi rin naman nakaligtaan ng Kapuso actor na si Dingdong Dantes ang kaarawan ng pinakamamahal niyang asawa, at sa kanyang Instagram account ay makikita ang pagbabahagi niya ng sweet birthday greetings para sa misis niya.

Photo credits: Marian Rivera Gracia Dantes|IG

“Rockin’ our worlds since 1984. Happy birthday, my Love,” saad ng Kapuso actor sa kanyang IG post.

Ang mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes ay isa lamang sa mga celebrity couple sa mundo ng showbiz na hinahangaan at tinitingala ng marami, dahil sa kanilang napakagandang samhan na mag-asawa pati na rin sa pagiging magulang nila sa kanilang dalawang anak na sina Zia at Sixto.

Photo credits: Marian Rivera Gracia Dantes|FB

Matatandaan na noon lamang nakaraang buwan ng Disyembre ay ipinagdiwang ng mag-asawa ang ika-7 taong anibersayo ng kanilang kasal.

error: Content is protected !!