Connect with us

Entertainment

Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, Ibinahagi ang Precious Moments Kasama ang Bunsong Anak na si Ziggy sa Beach

Ang tinaguriang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes at Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ay biniyayaan ng dalawang anak, sina Zia at Ziggy. Si Zia na sadyang namana ang ganda ng mukha ng kanyang ina, ay limang taong gulang na noong nakaraang Nobyembre. Samantalang ang bunsong si Ziggy na hindi maikakaila ang ka-cutan, ay isang taong gulang naman noong nakaraang Abril.




Kung ang mag-inang Marian at Zia, ay madalas makitang mag-bonding at naka-twinning pa sa kanilang mga damit, hindi rin magpapahuli ang mag-amang Dingdong at Ziggy sa kanilang masayang bonding moments.

Photo credits: Ding Dong Dantes | Instagram

At kamakailan nga, ay ibinahagi ni Dingdong ang kanilang precious moments nang magbakasyon sila sa beach kung saan unang beses na nakakita ng buhangin at tubig dagat si Ziggy. At bilang isang ama, ay masaya si Dingdong na makita na nag-eenjoy ang kanyang anak sa beach. Sa kanilang bakasyon, ay nagkaroon ng masayang bonding ang kanilang pamilya. Makikita na talagang nag-enjoy ang bawat isa sa kanilang bakasyon.

Photo credits: Marian rivera | Instagram

Pagbabahagi naman ni Dingdong sa kanyang Instagram kung saan masisilayan ang litrato nila ni Ziggy habang nasa tubig, ay gustong-gusto umano ni Ziggy ang tubig at buhangin. Kaya naman, ang bakasyon na ito, ay isang hindi makakalimutang kaganapan sa buhay ng aktor, dahil sa unang pagkakataon ay nakita niya kung gaano kasaya ang anak sa beach.

“I will never forget how happy this boy was when he first encountered the sand and water on his feet.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)

Sinabi rin ni Dingdong sa kanyang post, na noong nagsisimula palang ang pandemya ay napakaliit pa ni Ziggy na kung saan ay hindi pa ito marunong maglakad. Ngunit ngayon nga, ay beach buddy na niya ito.




“When this pandemic started, he hasn’t even walked yet! But now look– he’s become my beach buddy!”

Samantala, ipinahayag rin ng Kapuso Primetime King ang kanyang pasasalamat dahil nagkaroon ng pagkakataon ang kanyang pamilya upang makapagbakasyon at makapagbonding.

“I am just so grateful that we have been given this opportunity to freely run around and appreciate nature inside this bubble, without fear of getting anything unwanted.”

Sa hiwalay namang post sa Instagram kalakip ang larawan ni Ziggy na enjoy na enjoy sa alon ng tubig, ay sinabi ni Dingdong na talagang inienjoy ni Ziggy ang mga oras na nasa tubig kagaya ng kanyang Ate Zia at Mommy Marian.

“So happy to know how much he adores the water just like his ate and mom (but only when she was a mermaid). #Sixto”

Ang nasabing bakasyon naman ng pamilya Dantes, ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-6th wedding anniversary ng mag-asawang Dingdong at Marian. Ang mag-asawa ay ikinasal noong ika-30 ng Disyembre taong 2014.

error: Content is protected !!