Connect with us

Entertainment

Kapuso Hunk Rayver Cruz, Ipinasilip ang Kanyang Bagong Bahay na Bunga ng Kanyang Pagsisikap na Kanyang Inialay sa Yumaong Ina

Si Raymond Oliver Cruz Ilustre o mas kilala bilang si Rayver Cruz ay isang aktor at mananayaw sa industriya ng showbiz. Ang husay at galing ni Rayver bilang artista ay talagang hinahangaan ng marami. Ngunit, higit namang kahanga-hanga ang kanyang angking talento sa pagsayaw sa gitna ng dance floor.




Kadalasan namang nakakasama sa dance floor ni Rayver ang kapatid na si Rodjun Cruz na isa ring aktor at dancer.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by rayvercruz (@rayvercruz)

Samantala, sa murang edad ay pinasok na si Rayver ang mundo ng showbiz kung saan ay nahubog ang kanyang talento bilang aktor at dancer. Sa paglipas nga ng panahon ay mas lalo pa siyang nakilala ng publiko, kung saan ay nagkaroon siya ng maraming tagahanga.

Hindi rin maikakaila na talagang lumikha ng sariling pangalan si Rayver sa showbiz kung saan ay naging matagumpay ang kanyang karera. Kaya naman, hindi nakapagtataka na sa habang panahong pananatili sa showbiz, ay nakapagpundar siya ng isang bago at napakagandang bahay na mula sa kanyang hirap at sakripisyo.

Photo credits: Raver Cruz | Instagram

Bago nga matapos ang taong 2020, ay isang biyaya ang kanyang natanggap na bunga ng kanyang pagsisikap. Sa Instagram, nito lamang ika-18 ng Disyembre, ay ipinasilip ni Rayver sa Instagram sa kanyang mga tagahanga ang kanyang bagong bahay.





Base sa caption ng aktor, ang bahay na kanyang naipundar na maituturing na tagumpay sa kanyang buhay, ay iniaalay niya sa kanyang yumaong ina na si Beth Cruz, na pumanaw dahil sa sakit na pancreatic cancer noong Pebrero 2019.

“’Tis the season to be jolly. This is for you mama. I miss you so much.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by rayvercruz (@rayvercruz)

Makikita naman sa ilang larawang ibinahagi sa kanyang Instagram post na tila sa bagong bahay magdiriwang ng pasko ang pamilya ni Rayver. Kasama ni Rayver sa mga larawan ang kanyang kapatid na si Omar at kanyang Uncle Jeff.

Sa labas ng bagong bahay ni Rayver, masisilayan ang napakagandang bahay na may dalawang palapag, na may modernong disenyo. May kombinasyon naman ito ng neutral colors na black, brown at white na makikita sa loob at labas ng kanyang bagong tahanan.

Samantala, marami ang bumati sa nakamit na tagumpay na ito ni Rayver. Nangunguna na nga rito, ang kapatid niyang si Rodjun na kung saan ay palaging nakasuporta sa kapatid. Isang nakakaantig na mensahe kung saan mababakas ang pagiging proud sa tagumpay ni Rayver ang ipinaabot ni Rodjun sa Instagram.

“Sobrang saya ko para sayo bro @rayvercruz! Proud na proud kaming lahat sa iyo at sigurado ako na mas lalo sila Mama at Papa in Heaven. Deserve mo lahat ng blessings na dumadating sa buhay mo at alam kong tuloy tuloy at mas madaming blessings pa ang darating sa iyo. Dahil bukod sa napakasipag mo ay napakabuti mong tao. I love you, King.”

error: Content is protected !!