Connect with us

Entertainment

Kapuso Hunk Mark Herras, Nag-proposed Na Sa Kanyang Singer and Beauty Queen Girlfriend Na Si Nicole Donesa

Published

on

Ang Kapuso Hunk na si Mark Herras ay nagsimula ang karera sa industriya ng showbiz matapos magwagi sa reality talent show na Starstruck. Umarangkada ang karera ng aktor sa industriya kung saan ipinamalas niya ang kanyang talento sa pag-arte. Ngunit, maliban sa pag-arte, may taglay ring talento ang aktor sa larangan ng sayaw. Kaya naman, mas lalo pa siyang nakilala at hinangaan ng publiko dahil sa kanyang galing sa paghataw sa dance floor.




Samantala, pagdating naman sa kanyang buhay pag-ibig, marami ring babae ang nakabihag ng kanyang puso. At ang isa nga sa kanyang mga nakarelasyon ay ang beauty queen actress na si Winwyn Marquez. Ngunit, matapos ang tatlong taong pagiging magkasintahan, ang kanilang matamis na pagmamahalan ay nauwi sa hiwalayan noong Pebrero 2019.

Muli namang tumibok ang puso ni Mark sa katauhan ng aktres na si Nicole Donesa. Ang kanilang relasyon ay inihayag ng dalawa noong Agosto 2019, ngunit bago pa man ito marami na ang nakakakita sa pagiging sweet nila sa isa’t isa.

At ngayon nga, tila natagpuan na ni Mark ang tunay na pag-ibig sa kasintahan dahil sa loob ng maikling panahon ay napagpasyahan na ng aktor na alokin ito ng kasal. At ang alok namang ito ni Mark ay agad na tinanggap ni Nicole.

Sa Instagram, ibinahagi ni Mark ang isang black-and-white na larawan kung saan makikita ang kamay ni Nicole habang may suot na engagement ring. Ang nasabing post naman ay nilakipan ni Mark ng napakasweet na caption:

“Ang mahalin ka at makasama ka habang buhay…. love you itchybear.”




Samantala, ang aktres naman na si Nicole ay ibinahagi kung paano nag-proposed sa kanya ang nobyo na hindi halos makapaniwala sa nangyari. Labis ang kaligayahang nadarama ng aktres sa supresang handog sa kanya ng nobyo.

“We were eating dinner, and when it was time for desserts, this was what came to my surprise,”saad ni Nicole.

“Just when I thought the world was ending, a miracle happened. Life is a beautiful and short blessing, and I can’t wait to spend the rest of this life with you, Mark, in any way we possibly can. Thank you God,” dagdag pa niya.

Talaga nga namang natagpuan na nila sa isa’t isa ang tunay na pag-ibig kung saan ay nais nang lumagay sa tamihik. Congratulations Mark and Nicole!

error: Content is protected !!