Connect with us

Entertainment

Kapuso Actress na si Kylie Padilla, Kinilig sa Supresang Handog na Romantic Date ng Asawang si Aljur Abrenica

Napakasarap naman talaga sa pakiramdam ang mahandogan ng isang supresa mula sa ating mga mahal sa buhay. Sa ganito ngang paraan nararamdaman natin ang pagmamahal nila. Simple man o magarbo ang kanilang paghahanda ay nagbibigay pa rin ito sa atin ng kaligayahan.

Labis nga ang naramdamang kaligayahan ng Kapuso aktres na si Kylie Padilla matapos siyang handogan ng isang supresang romantic date ng kanyang asawang aktor na si Aljur Abrenica.




At sa tulong nga ng mga kaibigan ni Aljur ay naisakatuparan niya ang supresa para sa kanyang asawa na talaga namang napakaromantiko ng dating. Napakaganda nga ng pagkakaayos ng hugis pusong rose petals na mas lalong pinaganda ng munting liwanag. May kandila ring nagsisilbing ilaw sa gitna ng kanilang simpleng hapag kung saan nakahain ang mga pagkain.

Hindi rin siyempre mawawala ang bouquet ng mga bulaklak at wine sa kanilang romantic dinner date. Talaga nga namang napakasweet ni Aljur sa kanyang asawang si Kylie at nakakagawa siya ng simpleng paraan upang mapaligaya ito. Makikita na talagang mahal na mahal nga ni Aljur si Kylie dahil ang kaligayahan ng asawa ang siya ring nagpapasaya sa aktor.

Samantala, ang kilig moments na ito ni Kylie ay masaya niyang ibinahagi sa kanyang Instagram na kung saan ay nilakipan ng caption na mababakas ang kaligayahan at pasasalamat sa asawa. At kalakip nito ang mga larawang kuha sa kanilang romantic dinner date.




“I had no idea what kind of day I would wake up to today. And this is what kind of of day I had. Thank you mahal, Aljur Abrenica and to my girls.”

Maraming netizens ang kinilig sa kanilang romantic date na talaga namang mababakas sa mag-asawa ang pagmamahal sa isa’t isa. Nag-iwan nga ang mga netizens ng kanilang reaksyon at komento na kung saan ay hindi matago ang kilig sa bawat pahayag.

Samantala, makikita naman sa naunang post ni Kylie ang tungkol sa hirap na naranasan niya sa 2nd baby nila ni Aljur habang ipinagbubuntis niya ito.




Kahit naman abala si Kylie sa pag-aalaga sa mga anak, naglalaan pa rin siya ng oras sa kanyang mga pinagkakakitaang negosyo. At dahil nga sa pandemic ay natigil ang kanyang trabaho sa telebisyon bilang artista, at ngayon nga ay abala siya sa kanyang mga negosyo sa loob ng kanilang tahanan. Kabilang na nga rito beauty and bath essential brand na Avaluna by Kylie, READ THE SHIRT MNL, at My Little Ukay Ukay.

Talaga namang hindi lang hands-on mom si Kylie, kundi madiskarteng mommy rin. Kaya naman well deserved na makatanggap siya ng supresa mula sa kanyang asawang si Aljur.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aljur Abrenica (@ajabrenica) on

error: Content is protected !!