Connect with us

Entertainment

Kapuso Actress Jennylyn Mercado, Ipinasilip ang Kanyang Diving Adventure sa Mabini, Batangas

Ang Kapuso actress na si Jennylyn Mercado ay isang mahusay na artista sa industriya ng showbiz. Sa kanyang mga pelikula at mga teleseryeng ginampanan sa telebisyon, ay talagang ipinamalas niya ang kanyang angking kakayahan sa pag-arte.

At mas lalo namang hinangaan ng publiko ang aktres sa kanyang mga pagganap dahil sa nakakakilig na tambalan nila ng kanyang real-life boyfriend na si Dennis Trillo. At ang kanilang pagsasama, ay talagang puno ng pagmamahal. Hindi nga maikakaila na magkasundong-magkasundo sila sa maraming bagay, lalo na pagdating sa mga masasayang adventure.




At kamakailan nga, ay ipinasilip ni Jen ang kanyang masayang diving adventure sa Mabini, Batangas. Sa pagkakataong ito, ay hindi niya kasama si Dennis, kundi ang kasama niya ay kanyang mga kaibigan.

Sa Instagram, ibinahagi ng aktres ang larawan kung saan makikita ang masayang diving adventure nilang magkakakibigan habang kasama ang sea turtle nang magpakuha ng larawan.

“Our diving buddy says hello,”caption sa post ni Jen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jen Mercado (@mercadojenny)

Sa hiwalay namang Instagram post, ay ipinakilala naman niya ang kanyang “new diving buddy”. Pilyo at may halong pang-aasar pa sa kanyang boyfriend na si Dennis ang naging caption ng kanyang post.

“Sorry, love, I have a new diving buddy.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jen Mercado (@mercadojenny)

Pinasalamatan rin ni Jen si Pernilla, na siyanh gumabay sa kanya upang maranasan ang masayang diving adventure.

“Thank you @pernillasjoo for one of my best dives because of you and kuya @escletoedwin.”




Caption ni Jen sa kanyang post,

“Thanks for conquering the sea with me. I’m gonna miss you! Til our next dive.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jen Mercado (@mercadojenny)

Samantala, hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakapag diving si Jen, dahil noong 2016, ay kasama niya si Dennis sa isang masayang diving adventure sa Mabini, Batangas. Napabilang ang magkasintahan noon sa underwater clean-up drive sa Mabini, Batangas, kung saan nakasama nila ang Philippine Coast Guard.

Talagang nag-enjoy ang magkasintahan noon, dahil bukod sa kanilang diving adventure ay nakatulong rin sila sa kalikasan upang mapanatili ang kalinisan nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jen Mercado (@mercadojenny)

Kamakailan lamang nang ipagdiwang ng dalawa, ang kanilang 7th anniversary bilang magkasintahan. At noong ika-2 ng Enero ay masaya nilang ipinagdiwang ang kanilang anibersaryo sa Tagaytay. Talaga nga namang going strong ang magkasintahan, tiyak na mas lalo pa silang pagtitibayan ng panahon, lalo na sa mga pagsubok na parating sa kanilang buhay .

 

error: Content is protected !!