Connect with us

Entertainment

Kapuso Actress Glaiza De Castro, Engaged na sa Kanyang Non-showbiz Irish Boyfriend na si David Rainey

Hindi lamang namamayagpag na karera sa showbiz bilang isang artista ang nagbibigay kulay at saya sa buhay ng aktres na si Glaiza de Castro, kundi pati na rin ang kanyang buhay pag-ibig ay sadyang napakakulay.

Bagama’t, long distance relationship ang estado ng relasyon ni Glaiza at ng kanyang non-showbiz Irish boyfriend na si David Rainey, nitong mga nakaraang buwan dahil sa pandemya, ay napalitan naman ng saya ang bawat sandali ngayong sila’y magkasama.




Si David ay naninirahan sa Ireland, samantalang si Glaiza naman ay sa Pilipinas. Ngunit, ang layo ng distansyang nakapagitan sa kanila ay hindi naging hadlang upang iparamdam ang pagmamahal sa isa’t isa.

Photo credits: glaizaredux | Instagram

At noong nakaraang buwan nga ng Setyembre ay ipinagdiwang ng magkasintahan ang kanilang anibersaryo, kung saan ay sinurpresa si Glaiza ng kanyang nobyo sa tulong ng kanilang mga kaibigan. Isang napakacute na surpresa ang inihandog ni David kung saan ay nakalagay sa isang malaking unan ang larawan ng mukha ni David na nakarating pa sa isla ng Siargao.

Samantala, matatandaan na minsan nang ibinahagi ni Glaiza na nakakaranas siya separation anxiety dahil sa pagkakawalay sa kanyang nobyo ng ilang buwan.

Tila naman nabunutan ng tinik sa dibdib ang aktres dahil sa pagluwag ng mga bayahe sa labas at loob ng bansa. At ang pagkakataong ito ay hindi pinalampas ni Glaiza upang lumipad patungong Ireland upang makasama ang nobyo. Nito lamang ngang kasalukuyang buwan ng Disyembre, ay nakarating na ng Ireland ang aktres at kasama na niya ang nobyo.

Napakasaya naman ng pasko ni Glaiza sa hatid niyang magandang balita sa kanyang mga tagahanga kamakailan. Ito nga ay matapos ianunsyo ng aktres sa Instagram, na engaged na siya sa kanyang non-showbiz Irish boyfriend na si David Rainey.




Sa kabila nga ng napakalamig na temperatura sa Ireland, ay hindi nito napigilan ang nakakakilig na tagpo at pagsagot ng matamis na oo ni Glaiza sa nobyo, nang hingin ang kanyang kamay.

Sa Instagram, kalakip ng kanyang larawan kung saan ay ipinakita ni Glaiza ang suot na engagement ring, ay nilakipan niya ito ng caption na:

“Who would’ve thought I’d say yes in freezing cold weather…. it just felt righ,”saad ni Glaiza.

Tila nga napawi ang lahat ng lungkot na naramdaman ng aktres. At maging ang separation anxiety na kanyang naramdaman sa kanyang nobyo, na ngayon ay fiancee na niya, ay napalitan ng labis na kaligayahan.

Congratulations Glaiza and David!

error: Content is protected !!