Connect with us

Entertainment

Kapuso Actress Gabbi Garcia, Masayang Ipinagdiwang ang Kanyang Ika-22 Taong Kaarawan sa Kanilang Tahanan Kasama ang Kanyang Pamilya

Bagama’t nasa gitna parin ng pandemya ang lahat, ay hindi ito naging hadlang upang magkaroon ng isang masayang selebrasyon upang ipagdiwang ang ika-22 taong kaarawan ng “Millenial It Girl” na si Gabbi Garcia.

Kahit nga, ginanap sa loob ng kanilang tahanan, ay makikita na talagang pinaghandaan ito ng mabuti ng aktres. Tiniyak rin ni Gabbi na maging memorable ang selebrasyon ng kanyang espesyal na araw kahit sa bahay lamang ito ginanap.




Para na rin matiyak ang kaligtasan ng bawat isa, bilang pagsunod na rin sa safety protocols na ipinapatupad ng gobyerno, ay ilan lamang ang naging bisita ng aktres sa kanyang kaarawan. Kabilang nga rito, ang kanyang pamilya, piling mga kaibigan, at siyempre hindi rin mawawala ang nagpapasaya sa kanyang puso, ang nobyong si Khalil Ramos.

“22 ? the other day, I celebrated my birthday with my close friends and family.”

Photo credits: Gabbi Garcia | Instagram

Samantala, sa tulong ng isang mahusay na event designer na si Teddy Manuel, ay naisakatuparan ang napakagandang lugar sa loob ng tahanan ni Gabbi. Ang kanilang simpleng tahanan nga, ay naging isang celebrative place sa ganda ng disenyo. Sa tulong naman ng bespokemanila, ay naging memorable ang okasyon sa loob ng kanilang tahanan. Kaya naman, ganun na lamang ang pasasalamat ng aktres sa mga ito.

“Thank you @teddymanuel for transforming our humble home ? and to @bespokemanila for making it memorable! ✨ love you both ?♥️”

Photo credits: Gabbi Garcia | Instagram

Kaya naman, sa mga larawan na ibinahagi ni Gabbi sa Instagram, makikita na sadyang napakaganda ng pagkakaayos ng lugar. Mula sa mga nagagandahang bulaklak na talagang bumagay sa set up hanggang sa mga palamuting mas lalong nagpaganda ng lugar, ay hindi maikakaila na napakahusay nga ng gumawa nito.

Photo credits: Gabbi Garcia | Instagram




Samantala, pinasalamatan naman ni Gabbi ang kanyang pamilya at mga kaibigan, na ipinakita ang buong pusong pagmamahal at pagsuporta sa kanya.

“To my family and friends, thank you for the love!! I appreciate each and everyone of you ♥️ i love you all! To everyone who sent their love, thank you from the bottom of my heart ?
Photos by @adrianardiente & @shotbykhalilr ?”

Photo credits: Gabbi Garcia | Instagram

Talaga nga namang napakaespesyal at hindi makakalimutan ang naging pagdiriwang ng kaarawan ni Gabbi kahit sa bahay lamang ito ginanap. Ang makapiling nga ang mga mahal sa buhay sa espesyal na araw na minsan lamang mangyari sa buhay ng tao, ay napakahalaga na at walang katumbas na kaligayahan ang hatid nito.

Photo credits: Gabbi Garcia | Instagram

Nakilala at gumawa ng sariling pangalan si Gabbi sa industriya ng showbiz, nang gumanap bilang Sangre Alena sa fantaserye ng Kapuso Network na Encantadia.

error: Content is protected !!