Connect with us

Entertainment

Kapuso Actress Gabbi Garcia, Ipinasilip ang Paglalagay ng Dekorasyon sa Kanyang Christmas Tree sa Tulong ng mga Eksperto

Bagama’t maraming pagsubok ang pinagdadaanan ng marami, ay hindi naman ito naging hadlang upang masayang ipagdiwang ang kapaskuhan ngayong taon. Ramdam na ramdam na nga ang diwa ng pasko sa kapaligiran. Tila nga lahat ay sabik nang ipagdiwang ang espesyal na araw na ito kasama ang mga mahal sa buhay.




Tila nag-aanyaya naman ng masarap at masayang selebrasyon ang mga naggagandahan at makukulay na dekorasyon sa loob ng mga tahanan. Hindi nga mawawala ang mga naggagandahan at nagtataasang Christmas tree. At ang mga sikat na personalidadsa showbiz, ay hindi mawawalan ng Christmas tree sa loob ng kanilang tahanan.

Photo credits: Gabbi Garcia | Youtube

Katulad na lamang nga ng Kapuso actress na si Gabbi Garcia na kamakailan ay ipinasilip ang paglalagay ng mga dekorasyon sa kanyang Christmas tree sa tulong ng mga eksperto.

Sa vlog ng aktres, ay ipinakita niya ang bawat hakbang na ginawa para ang kanyang ordinaryong Christmas tree ay maging isang napakaganda at kahanga-hangang Christmas tree. Sa tulong ng event stylist na si Dave Sandoval at event planner na si Ernest Pascual ay naisakatuparan ni Gabbi ang paglalagay ng napakagandang dekorasyon na angkop sa kanyang personality.

Photo credits: Gabbi Garcia | Youtube

Makikita nga na talagang bumagay ang dekorasyon ng Christmas tree sa mga kagamitang makikita sa loob ng tahanan nina Gabbi. Ang napakagandang Christmas tree nga ng aktres ay nabuo sa pinagsama-samang dekorasyon tulad ng pines, cotton pod stems at dried flowers. Naglagay rin ng mga kahon ng regalo sa paanang bahagi ng Christmas tree upang makompleto ang napakagandang ayos nito.

Photo credits: Gabbi Garcia | Youtube

Photo credits: Gabbi Garcia | Youtube

Napakaganda nga nitong pagmasdan lalo na’t may kombinasyon ito ng kulay brown, white at gold na siya ring tema ng bahay ng aktres. Kaya naman, talagang bagay na bagay ito sa loob ng kanilang tahanan.

Espesyal rin ang Christnas tree ni Gabbi, dahil bukod sa makukulay na dekorasyong nakasabit, ay may Christmas balls ring nakasabit rito kung saan ay nakasulat ang pangalan ng bawat miyembro ng kanilang pamilya. Maging ang nobyo niyang si Khalil Ramos ay kabilang rin sa mga pangalang nakasulat.




Napakaganda rin ng sofa sa living room nina Gabbi dahil ang puting pillow case ng mga unan ay may nakalagay na initials ng kanilang pangalan. Bumagay rin ito sa Christmas tree dahil sa kulay gold nitong disenyo.

Photo credits: Gabbi Garcia | Youtube

Talaga nga namang naisakatuparan ni Gabbi ang hinahangad niyang disenyo para sa kanyang Christmas tree. Nang masilayan nga ang ganda nito, ay tunay na mararamdaman ang diwa ng pasko sa loob ng kanilang tahanan.

error: Content is protected !!