Connect with us

Entertainment

Kapuso Actor Paolo Contis, Proud na Ibinahagi ang Angking Talento sa Pag-arte ng Kanyang Anak na si Baby Summer

Ang Kapuso actor na si Paolo Contis, ay may kahanga-hangang galing hindi lamang bilang isang komedyante na napapanood sa programang Bubble Gang, kundi may angking husay rin siya sa pag-arte. Matatandaan nga, na marami ang pinaluhang manonood ni Paolo sa kanyang kahanga-hangang pagganap sa pelikulang “Through Night and Day”, kung saan nakasama niya ang aktres na si Alessandra de Rossi.




Ngunit, hindi lamang isang mahusay na aktor sa industriya ng showbiz si Paolo, kundi isa rin siyang mapagmahal at responsableng ama sa kanyang anak na si Summer Ayanna. Maliban rito, ay mapagmahal rin siyang partner sa kanyang girlfriend na aktres na si LJ Reyes.

Photo credits: Paolo Contis | Instagram

At dahil nga parehong mahuhusay na artista, ay hindi naman maikakaila na mamana ng kanilang napakacute na anak na si Summer ang husay nila sa pag-arte. Kaya naman, talagang hindi rin nagpapahuli si Summer na ipamalas ang kanyang husay sa pag-arte. Madalas nga, ang nagiging bonding moments ng mag-amang Summer at Paolo, ay ang acting workshop kung saan ay si Paolo mismo ang nagsisilbing director at si Summer naman ang artista.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis)

Sa video na ibinahagi ni Paolo sa Instagram, makikita na talagang always ready to action si Summer. At sa acting workshop ng mag-ama, ay talagang ipinakita ni Summer ang husay sa pag-arte. Una nga ay tila malungkot ang eksenang pinapagawa ng kanyang ama, na siyang kunwaring director. At maya-maya nga ay biglang ngumiti naman si Summer, at balik naman sa pagiging malungkot, sabay ngiti ulit sa harap ng kamera.




Nilakipan naman ito ng nakakawiling caption ni Paolo. Tila nga, nagustuhan naman ni Paolo ang acting skills ng anak, at nagawa nito ang nais niya. Ayon nga sa aktor, ay maaari ng sumabak sa baliw roles ang kanyang anak na si Summer.

“Ang #Acting101 workshops walang nalalamang Christmas Break! Kailangan laging handa! Medyo advance acting na to ha! Malungkot, tapos tatawa??? Anak!! Pwede ka na sa baliw roles! 😂😂😂”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis)

Hindi naman talaga maikakaila ang angking talento sa pag-arte ni Summer. Sa murang edad nga ay nahahasa na ang kanyang kakayahan sa gabay ng kanyang mga magulang. Tila nga, malaki ang tyansa na sundan ni Summer ang mga magulang sa industriya ng showbiz bilang isang mahusay na artista.

Dahil sa kahanga-hangang pag-arte ni Summer, ay umani ng paghanga mula sa mga netizens ang kanyang video. May ilan ring nakapansin na nahahawig ang kanyang maamong mukha sa kanyang Mommy LJ.

“Pedeng pede na cia mag artista.”
“Ang cute hahaha. Very good naman sa acting. Kahawig ni @lj_reyes”
“praktisado na eto! Galing galing na bata😍”
“Ang cute talaga. Pwede na maging artista😍👏”

error: Content is protected !!