Connect with us

Entertainment

Kapatid Newscaster Raffy Tulfo Inamin Na Malaki Ang Respeto Sa Kanyang Maybahay Na Si Jocelyn Pua-Tulfo

Published

on

Sino ba ang hindi humahanga sa angking tapang ng kilalang batikang mamamahayag na si Raffy Tulfo na kilalang-kilala ngayon dahil sa angking tapang sa pagbabalita.




At pagdating sa serbisyo publiko para sa ating mga kapuspalad na kababayan ay talagang kanyang buong tapang at bukas palad na mabilis na tinutugunan.

Sa naging panayam sa kanya sa programang “Gandang Gabi Vice” ay naisapubliko ang mga bagay na hindi pa natin nalalaman tungkol sa matapang na newscaster. Tinalakay sa naturang programa ang mga detalye mula sa kanyang personal na background maging sa kanyang buhay pag-ibig.




Sa naturang programa ay personal na natanung ang “Idol Raffy” ng bayan kung kamusta na ang relasyon niya sa asawang si Jocelyn Pua-Tulfo. May ilang pagkakataon na nakita ang Kapatid news anchor na kasama ang kanyang maybahay at kadalasan ay nakakasama niya ito sa ilang prestihiyosong event na kanyang dinadaluhan.

At sa pagdalaw ng “Aksyon sa Tanghali” host sa Kapamilya program ay kasama din niya ang asawa sa pagpunta dito. Dahil kilala ang programa at maging ang host na si Vice Ganda sa mga diretsuhan at seryosong mga katanungan ay talagang inabangan na rin ang magiging sagot ng beteranong anchor.

Samantala, sa naging tanung ni Vice Ganda kung takot nga ba siya sa kanyang asawa ay diretsuhan niya itong sinagot,

“Vice Ganda:”Matapang kayo, pero takot kayo sa asawa niyo sir?” maririnig na tanong ng Kapamilya host sa matapang na news anchor,




Raffy Tulfo: “Nirerespeto ko lang. Hindi ako takot, pero nirerespeto ko siya. One and only!”, pagpapaliwanag naman dito ng 60 na taong gulang na newscaster.

Napuno ng kulitan ang pagbisita ng “Wanted sa Radyo” host na nagawa pang pasayawin at sa kauna-unahang pagkakataon ay nagwacky-face sa harapan ng kamera. Nagpasalamat naman si Raffy Tulfo sa pagguest sa kanya ni Vice na matagal na palang kaibigan ng mamamahayag at asawang si Jocelyn.

error: Content is protected !!