Connect with us

Stories

“Kapangitan ko ang nagpaganda sa buhay ng pamilya ko”: Komedyanteng si Pokwang, Sinagot ang mga Tumatawag sa Kanya ng ang “Chaka”

Ang social media ay isang online platform kung saan malayang nakakapagpahayag ng kanilang saloobin o opinyon ang bawat indibidwal. Ito nga nagsisilbing instrumento ng marami upang maiparating sa publiko ang nais nilang ipahayag.

Ang mga celebrity nga sa showbiz, ay kadalasang ibinabahagi sa social ang kanilang opinyon patungkol sa kinakaharap ng bawat isa sa kanilang kapaligiran. Ngunit, dahil sa sa iba’t ibang opinyon ng bawat isa, hindi lahat ay positibo ang komentong natatanggap mula sa publiko.

Photo credits: google.com

Katulad na lamang nga ng komedyanteng si Pokwang o kilala sa totoong buhay bilang Marietta Subong, na madalas ipahayag ang kanyang opinyon sa Twitter. Ngunit, sa halip na pag-usapang mabuti ang opinyon ng bawat isa, ay idinadaan sa personal na pag-atake ng mga di sang-ayun kay Pokwang ang kanilang pagpuna sa komedyante.

Photo credits: google.com

Ilang ulit na ngang nakatanggap ng pagpuna si Pokwang mula sa publiko, kung saan ay mga masasakit na salita ang ibinabato sa kanya sa bawat opinyon na kanyang ipahayag. Ayon nga sa salaysay si Pokwang, kadalasan raw ay pinupuna ng mga netizens ang kanyang panlabas na anyo, sa halip na pagtuunang pansin ang mensahe na nais niyang ipahayag.

Pinipintasan raw ng madla ang kanyang pisikal na anyo ng mga taong hindi sang-ayon sa kanyang opinyon. Dahil dito, ay hindi maitago ng komedyante ang kanyang pagkadismaya.

“Nariyan ang tawagin kang pangit, chaka, etc.,” pagbabahagi niya.

Photo credits: google.com

Ngunit, para sa komedyante, ang mga panlalait sa kanya ng ilan na pangit at chaka, ay maituturing niyang biyaya. Dahil ang panlabas na anyo ni Pokwang na siyang nilalait ng ilan, ang nagbigay sa kanya at kanyang pamilya ng daan upang guminhawa ang buhay. At dahil rin sa kanyang anyo, ay marami rin siyang taong natulungan sa pamamagitan ng kanyang negosyo.

Photo credits: pokwang | Twitter account

“Ang kapangitan ko ang nagpaganda sa buhay ng pamilya ko at ng mga nagtatrabaho sa aking negosyo na binubuhay ang pamilya nila na natulungan ng kapangitan ko e,”pahayag ni Pokwang.

Photo credits: pokwang | Twitter account

Matatandaan naman na bukas sa publiko ang pagpapahayag ng pagsuporta ni Pokwang sa mga kapwa celebrity kung saan ay ginagamit ang kasikatan upang manawagan sa publiko, kung ano ang sa tingin nilang tama.

Sa isa namang post sa Twitter, ay nilinaw ni Pokwang na bilang isang Pilipino at may pamilyang tao, ay karapatan rin niyang magpahayag ng kanyang saloobin at opinyon sa publiko.

error: Content is protected !!