Connect with us

Stories

Kapamilya News Anchor na si Bernadette Sembrano Nagbigay Babala sa mga Mahilig sa Milk Tea

Published

on

Binigyang babala ng kilalang Kapamilya News Anchor na si Bernadette Sembrano-Aguinaldo ang mga Netizen lalo na ang mga mahilig uminom ng milk tea dahil sa pangyayaring naranasan ng kaniyang partner na si Emilio Aguinaldo IV.



Sa kanyang Instagram ibinahagi niya ang naranasan ng asawa na may kinalaman sa paborito nilang thirst quencher na milk tea, dahil may kakaiba siyang napansin sa naturang iniinom ng kanyang asawa.

Sa naturang post ipinakita ni Bernadette ang isang larawan kung saan makikita ang isang kakaibang bagay na lumulutang at nakahalo sa milk tea na kasalukuyang iniinom nilang mag-asawa, mababasa sa Instagram post ang nakakabahalang komento ni Bernadette “To milk tea lovers – what do you think that black thing is?” nabanggit din na nainom ito ng kanyang asawa, kaagad na tumugon ang pamunuan ng nasabing milk tea, sinabi nila na iimbestigahan ang kinasasangkutan ng kanilang produkto.

Ayon pa sa post nabili nila ang nasabing kontrobersiyal na milk tea sa Greenbelt Makati, pagmamay-ari ito ng kumpanyang YI FANG Milk Tea, bilang tugon sa reklamo ni Bernadette, tinawagan siya ng taga-YI FANG at sinabing bibigyan nila ito ng katugunan, “Yi Fang milk tea company called and informed me that they will close the Greenbelt branch for sanitary inspection. They will also shoulder medical expenses of asawa, if needed, share pa ni Bernadette.

Kaagad naman na umani ng madaming komento at shares ang naturang post ni Bernadette sa Instagram, kabilang dito ang mga kasamahan niya sa industriya at ilang mga Netizen.



Isa mga komento sa Instagram ay talagang ikinabahala ng milk tea lovers kung saan nasabing “mukhang ipis” ang bagay na nakahalo at nakitang nakalagay sa inumin ng asawa ng Kapamilya Reporter na sinang-ayunan din ng iba pang Netizen.

Ang kaniyang kapwa reporter na si Nina Corpuz ay nagsabing hindi na siya bibili ng milk tea after niyang makita ang post ng kasamahan. Samantala isang netizen ang nagsabi “After your post do you think people will still go? You should have not posted at all. When you posted this, what did you have in mind?”, na kaagad naman nireplayan ni Bernadette na hindi niya ito pinagsisihan at nais lang niya na magbigay ng warning sa lahat.



Sa kabilang banda laking pasasalamat na rin ni Bernadette at ng asawang si Emilio dahil wala naman naging masamang epekto sa kanila ang nasabing inumin.

source: push

error: Content is protected !!