Connect with us

Entertainment

Kapamilya Kim Chiu Nakapag Tour sa Canada Sakay ng Eroplanong ang Pilotong Kuya ang Nagpapalipad

Ang winner ng Pinoy Big Brother Season One Teen Edition na half chinese at half filipino na si Kimberly Sue Yap Chiu isang aktres, singer, recording artist at host.

Sa pagkakapanalo niya sa Bahay Ni Kuya maraming oportunidad ang nagbukas sa Cebuana Chinita Princess, mula sa mga commercial, mga TV hosting maging sa mga pelikula at teleserye na pinagbidahan.

Malayo na talaga ang narating ng magandang dalaga pagdating sa propesyong kinabibilangan at talaga naman nagawa niya ito dahil sa sariling pagsisikap at pagtitiyaga.



Tuwang tuwa naman ang kaniyang mga tagahanga sa lahat ng pagbabago na nangyari sa kanyang buhay. Palagi nilang inaalam ang mga bawat pangyayari sa idolo mula sa kanyang buhay sa harap ng kamera, sa personal na buhay at maging sa kanyang mga latest na post sa Social Media tungkol sa mga lugar na napupuntahan.

Sa kabilang banda kilala talaga ang “Bride For Rent” aktres na mahilig mamasyal sa ibat ibang lugar hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa at palagi niyang ibinabahagi ang mga larawan nito sa kanyang mga social account.

Sa kanyang pagpunta nga kamakailan sa Canada pagkatapos ng ilang proyekto sa ibang bansa dinalaw ng PBB Host ang nakakabatang kapatid na si John. Ayon pa sa dalaga gusto talaga niyang makita ang kapatid dahil sa doon na ito tumira upang magtrabaho bilang isang piloto.

Sa kabilang banda sinabi ni Kim na naging espesyal ang pagkikita nilang muli ng kapatid dahil muli siyang isasakay sa kanyang pinalilipad na eroplano. Ipinagmamalaki ng 29 taong gulang na Kapamilya Aktres ang naging tagumpay ni John sa piniling propesyon.

Bukod pa sa pagkakataon na makasama ang kapatid na piloto, naging espesyal din ang pangyayaring iyon dahil ipinakilala ni John ang kanyang kasintahan.



Makikita pa nga sa Instagram post ni Kim ang mga larawan kasama si John at ang girlfriend nito habang sila ay nasa loob ng eroplano.

Ibinahagi din ng ‘ASAP’ artist na naging masaya ang kanyang side tour sa Canada dahil maraming magandang nangyari habang siya ay nanatili roon.

error: Content is protected !!