Connect with us

Entertainment

Kapamilya Aktres na si Maja Salvador, Ipinasilip ang Kanyang Bagong Biling Van na Kanyang Pina-Customized

Ang aktres na si Maja Salvador ay kilala na ng publiko bilang isang mahusay na aktres sa industriya ng showbiz. Sa dami nga ng pelikula at teleserye na kanyang ginampanan, ay hindi maikakaila na talagang ipinamalas niya ang kanyang natatanging talento sa pag-arte. Dahilan upang ituring si Maja bilang isang sa pinakamatagumpay na artista sa industriya.




Hindi nakapagtataka ang dedikasyong inilalaan ni Maja sa kanyang trabaho. Kaya naman, sa bawat proyekto na kanyang ginagawa ay nasisiyahan ang kanyang mga tagahanga sa kanyang husay.

At upang mas maging maayos ang kanyang trabaho, ay bumili si Maja ng van na magsisilbi niyang pahingahan habang nasa taping. Kamakailan nga, ay ipinasilip ni Maja ang bagong biling van na inilarawan niya bilang “home away from home”.

Photo credits: Maja Salvador | Youtube

Ilan na sa mga sikat na artista sa showbiz ang nagpasilip ng kanilang customized van na talaga namang napakaganda at komportable. At ngayon nga, ang aktres naman na si Maja ang magpapakita ng kanyang bagong biling van sa kanyang mga tagahanga.

Sa latest vlog ni Maja, tampok ang pag-tour ng aktres sa kanyang bagong customized van na binili niya para sa kanyang sarili upang matiyak na komportable siya sa trabaho kahit saan man ang lokasyon na kanilang pupuntahan.

“Since back to work na ako, nag-decide ako na dapat kumuha ako ng van para mas comfortable ako siyempre sa mga locations at kung saan-saan pa para mas makapagtrabaho tayo ng maigi, ‘di ba?”,saad ni Maja.

Photo credits: Maja Salvador | Youtube

Samantala, dahil nga talagang pinaghandaan ni Maja ang pagbili sa bagong van, ay nag-isip rin ang aktres ng ipapangalan rito. At ang ipinangalan ni Maja ay “Ari”. Ayon naman sa aktres, baka mapuno ng kanyang mga kagamitan ang bagong van katulad ng dati niyang sasakyan dahil sa palagi niyang pagpapalit ng damit.

“Du’n sa dati kong van, sobrang daming gamit du’n. So ngayon, ganu’n din ang mangyayari dito kay Ari.”

Photo credits: Maja Salvador | Youtube

Ibinahagi naman ng 32 taong gulang na aktres ang mga bagay na ipinalagay niya sa van. Katulad na lamang nga ng 32-inch SMART TV, charging stations, at isang privacy glass upang magkaroon siya ng privacy lalo na sa tuwing magbibihis.

“Sabi ko gusto ko ng privacy. Eh ‘pag kunwari siyempre chikadora ako ng taon so meron tayong privacy kay Ari. Hindi lang naman sa pag-chichika ko kundi ‘pag magbibihis kasi ako since nakakatayo ako dito.”

Makikita rin sa loob ng van ng aktres ang isang pull-out table na kanyang magagamit anumang oras kapag nais niyang kumain. Hindi rin syempre mawawala ang isang reclining massage chair sa van ni Maja na talagang kailangan na sa tuwing napapagod sa trabaho upang maalis ang nararamdamang sakit ng katawan at upang makapag-relax.

Photo credits: Maja Salvador | Youtube




“Kasi ‘pag nasa work talaga ako bibihira ako matulog. Pero mas hindi talaga ako natutulog kasi nga, parang ‘pag matutulog ako bumababa ‘yung energy ko. Baka mamaya hindi ko pa magawa ‘yung mga eksenang need kong gawin. So as much as possible, kailangan gising ako.”

Photo credits: Maja Salvador | Youtube

Pagbabahagi naman ni Maja, ay masaya siya sa naging transformation ng kanyang van dahil malaki ang maitutulong nito sa kanyang trabaho upang makapag-relax na kung saan ay talagang mararamdaman na tila nasa bahay parin ang aktres.

“Masaya ako kasi siyempre ang van na ito ay parang another bahay ko na — ‘yung umaandar na bahay. First class na first class ‘yung pakiramdam. ‘Yung sobrang mare-relax talaga ako. Talagang worth it kasi kahit gaano ka kapagod, ‘pag pumasok ako dito sa van na ‘to, mafi-feel at-home talaga ako.”

error: Content is protected !!