Connect with us

Entertainment

Kapamilya Actress na si Angel Locsin Hindi Matawaran ang Naging Reaksyon ng Pakantahin On the Spot ni Dimples Romana

Published

on

“May pagkakaibigang madaling lumamig, ngunit may kaibigang higit pa sa kapatid” masasabing totoo ang talatang ito dahil tunay ngang minsan ay may dumarating na isang espesyal na tao sa buhay mo na hindi mo naman talaga kadugo ngunit magiging higit pa ang gagampanan nitong parte sa iyong buhay.

Marahil ganyan ang turingan ng magkaibigang sina Angel Locsin at Dimples Romana na hindi man pinagbuklod ng dugo pero pinag-isa naman ng kanilang mga puso. At talagang sa pagdaan ng panahon ay mas lumalim at tumibay pa ang kanilang pagsasamahan.



At talagang masasabing espesyal ang kaibigang si Dimples sa “The General’s Daughter” actress makaraang ipaghanda niya ito ng isang surpresang pagdiriwang para sa ika-35 na kaarawan ng Kapamilya actress. At ayon pa kay Dimples sobrang natuwa siya sa ginawa ng kaibigang si Angel ng puntahan siya mismo sa taping niya sa “Kadenang Ginto” para lang bumati sa kanyang kaarawan.

Sa katunayan ay hindi naman talaga niya inaasahan na pupunta ang aktres(Angel) sapagkat sobrang daming pinagkakaabalahan niya ng mga panahon na iyon dahil kinakailangan niyang gawin ang ilang eksena ng Primetime Show na “Kadenang Ginto” at pagkatapos noon ay aalis siya papuntang Rome para maging bahagi ng “Asap Natin ‘To”.

Kaya talagang sobrang nagulat siya na makita ang kaibigan sa set kung saan bigla daw itong lumitaw kasama ang kanyang asawang si Boyet Ahmee at maging ang kanilang anak na si Callie sa taping set ng Kapamilya Show,

“I wasn’t wearing my contacts then, I went out and when we were reading the script –Jusko. Lumabas out of nowhere ang mga mahal ko, lahat sila”, pahayag pa ni Dimples.



Sa kabilang banda, talagang sinulit ni Dimples ang kanyang kaarawan ng personal niyang hilingin sa matalik na kaibigan na handugan siya ng isang awit para sa kanyang kaarawan. Sa nasabing okasyon maririnig ang “Darna” actress na kinakanta ang ‘Torete’ ng bandang Moonstar88.

Samantala, hindi naman pinalagpas ng mga artistang sina Bea Alonzo, Beatiz Saw, Janus Del Prado at Ahron Villena ang masayang selebrasyon ng kasamahan sa showbiz.

Naroon din ang mga aktres na sina Loisa Andalio at ang “Pamilya Ko” cast na si Ms. Sylvia Sanchez. Kasama din ni Angel ang kasintahang si Neil Arce sa pagdiriwang sa nasabing okasyon.

Talagang mapalad ang magkaibigang aktres sa pagsasamahan na mayroon silang dalawa at handa silang gawin ang lahat para sa isang bukod tanging tao sa kanilang buhay. Congrats
Dimples Romana at Angel Locsin.

error: Content is protected !!