Kapamilya Actress Bea Alonzo Nagdiwang ng Engrande at Star-Studded na Kaarawan

Ang kilala nating ang magandang Aktres na si Bea Alonzo ay magdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong ika-17 ng Oktubre. Subalit bago pa man dumating ang mahalagang petsa sa buhay ng Kapamilya aktres nagkaroon na siya ng maagang selebrasyon nito lamang nakaraang Linggo Oktubre 13.



Labis na naging special kay Bea ang nasabing okasyon sa pagpunta ng mga malalapit na kaibigan sa showbiz, gayundin ang kaniyang mga mahal sa buhay. Makikita sa mga litrato na present lahat ang malalapit na kaibigan ni Bea sa industriya ng showbiz ilan dito ay ang mga kilalang aktres na sina Anne Curtis, Sarah Lahbati, Iza Calzado, Dimples Romana, Beatrice Saw at Sylvia Sanchez. Naroon din ang mga aktor na sina Ian Veneracion, Paulo Avelino, Arhon Villena, Janus del Prado at Pooh.

Photo credits: gideonhermosa | Instagram

Hindi rin pinalagpas ng mga “Big Bosses” ng ABS-CBN na sina Carlo Catigbak CEO of Philippine Entertainment and Media Conglomerate, Mark Lopez ABS-CBN Chairman at August Benitez Head of ABS-CBN Corporate Sales ang nasabing okasyon.

Ibinahagi din ng “birthday celebrant” ang isang video kung saan maririnig ang ginawa niyang Spoken Poetry na pinamagatang “Muli” na patungkol sa pagharap sa kinabukasan at pagpapatuloy ng buhay. Isang linya sa poetry ang tumatak sa mga nakikinig na may mensaheng pinapatibay tayo ng mga karanasan sa buhay.

Naging successful ang nasabing spoken poetry video sa tulong ng “Tree House Story”. .

Bukod pa dito mababasa din sa Instagram ng Kapamilya Actress ang mensahe na “I’m celebrating LIFE and being ALIVE, I wouldn’t have it any other way than to be with the people who made me feel loved and special.. I can’t invite all of you, that’s not possible, but I can let you in my heart and let you hear what’s in it.”

Photo credits: gideonhermosa | Instagram

Sa kabilang banda todo ang suporta at masayang masaya ang mga tagahanga ni Bea na makitang masaya ang iniidolo at nagagawa na niyang muling ngumiti pagkatapos ng mga kinaharap na kontrobersiya sa kanyang buhay pag-ibig.



Pinagkaka-abalahan ngayon ng 32 taong gulang na aktres ang bagong Kapamilya TV Series kung saan makakasama niya ang mga batikang artista na sina Richard Guttierez, Rafael Rossel, Christian Bables at Jameson Blake.

source: virtualpinoy