Connect with us

Entertainment

Kapamilya Actor na si Gerald Anderson, Ipinasilip ang kanyang Napakalawak at Napakagandang Private Resort sa Zambales

Ang Kapamilya heartthrob at aktor na si Gerald Anderson ay ginawang kapaki-pakinabang ang panahon ng lockdown na dulot ng pandemya sa bansa. Naging abala nga ang aktor sa pagsasaayos sa kanyang napakalawak at napakagandang private resort na kanyang nabili sa Zambales.




Sa Instagram, ay masayang ibinahagi ni Gerald ang maikling video kung saan masisilayan ang ganda ng tanawin sa kanyang resort. Ang napakaganda ngang resort na ito ng aktor ay pinangalanan niyang “Hayati Resort”. Saad nga sa caption ng aktor sa kanyang Instagram: “Hayati private resort🌴 almost ready.”

Kung ang hanap ay isang resort na may napakagandang tanawin at nakakarelax na kapaligiran, tiyak na mag-eenjoy ang sinumang bibisita sa private resort na ito ng aktor. Bukod naman sa malawak na dagat na nasa harapang bahagi ng mismong resort, na nagdadala ng malamig na hangin, ay napakaganda at masarap ring maligo sa swimming pool ng nasabing resort.




Paggising naman sa umaga, ay sasalubong na ang sikat na araw na matatanaw mula sa resort, na masarap sabayan habang humihigop ng mainit na kape. Pagsapit naman ng dapithapon ay magandang tanawin naman ang hatid ng paglubog ng sikat ng araw.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nasilayan ang napakagandang resort ng aktor, dahil magmula noong June sa kanyang mga vlogs ay madalas siyang magbigay ng update sa progress na nagawa na niya sa resort. Ibinunyag rin ni Gerald ang dahilan kung bakit niya naisipang bumili ng resort sa Zambales. Ito nga ay dahil nais niyang magkaroon ng property na nasa harap ng isang beach.

Samantala, makikita naman sa ilang vlog ni Gerald na ilan sa mga isinaayos sa resort ay siya mismo ang gumawa. Katulad na lamang ng pagpipintura sa pool area at paglalagay ng halaman sa ilang bahagi ng resort upang mas mapaganda ito.

Dahil nga, mahilig ring mag-work out ang aktor upang mapanatiling fit and healthy ang katawan, ay nais rin niyang palagyan ng outdoor gym ang private resort upang makapag-work out rin ang sinumang magbabakasyon rito.




Samantala, bumuhos naman ang mga papuri’t pagbati mula sa mga kaibigan ni Gerald sa showbiz sa bagong achievement na kanyang nakamit. Ilan na nga rito sina Rayver Cruz, Enchong Dee at Daniel Matsunaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gerald Anderson (@andersongeraldjr) on

error: Content is protected !!