Connect with us

Inspiring

“Kapag may gusto, may paraan”: Munting Hardin sa Bubungan ng Isang Pamilya, Hinangaan ng mga Netizens

Isa nga sa aral na maaaring matutunan natin sa gitna ng krisis ay ang pagiging madiskarte. Lubhang kailangan nating kumita ng pera, upang may pantustos sa pangangailangan ng ating pamilya. Ngunit, dahil nga sa ipinatupad na quarantine ng gobyerno ay hindi tayo maaaring lumabas upang maging ligtas at maiwasan ang pagkalat ng nakakahawang sakit na COVID-19.

Kaya naman, paano nga ba tayo makikipagsapalaran at malalabanan ang krisis kung bawal lumabas ng tahanan upang maghanapbuhay?




Isa nga sa napakalaking tulong na maaari nating pagkunan ng makakain sa pang-araw-araw na pangangailangan ay ang pagkakaroon ng garden o pagtatanim ng mga gulay sa ating bakuran. Isa nga itong mabisang alternatibo upang may makain at makatipid sa gastusin ng pamilya. Bukod nga sa nagiging ligtas tayo dahil hindi na kinakailangan pang makisalamuha sa maraming tao sa tuwing pupunta ng palengke, ay nakakatipid rin dahil pipitasin na lang sa bakuran ang kinakailangang sangkap sa lutuin. Nakakatiyak rin na masustansiya at sariwang gulay ang maihahain natin sa ating pamilya.

Ngunit, paano naman kaya kung nakatayo lamang sa isang maliit na lote ang kinatitirikang bahay at walang bakanteng espasyo upang pagtamnam ng mga gulay?

Photo credits: New Normal: The Survival Guide / Facebook 

Isa ngang kahanga-hangang diskarte ang ginawa ng isang pamilya upang magkaroon ng lugar o espasyo ang kanilang munting hardin ng kanilang tahanan. Hindi nga katulad ng nakasanayang pagtatanim sa bakuran ang ginawa ng pamilyang ito na siyang hinangaan ng mga netizens.

Tampok ang isang pamilya sa Facebook page na “New Normal: The Survival Guide”, kung saan ay nagkaroon ng “mini garden” sa bubungan ng kanilang tahanan dahil sa kawalan ng espasyo na pagtatamnam ng mga gulay.




Napag-alaman sa naturang post na ang bahay na may mini garden sa bubong ay pagmamay-ari ni Tatay Buboy. Sino nga ba ang mag-aakala na maaari palang magtanim ng gulay sa bubungan ng hindi kinakailangan ng malawak na lupain? Patunay lamang nito, ang naaning dalawang malalaking palanggana ng petsay ni Tatay Buboy mula sa kanilang bubungan. May mayabong ring lettuce na nakatanim si Tatay Buboy sa kanilang bubungan, at kung ito’y bibilhin sa palengke ay nakakabutas ito ng bulsa dahil sa may kamahalan. Kaya naman, laking pagtitipid na ito para sa pamilya ni Tatay Buboy.

Photo credits: New Normal: The Survival Guide / Facebook

Pinatunayan nga ng pamilya ni Tatay Buboy na kapag may gusto, may paraan. Tunay nga na naging madiskarte sa pagtatanim ng gulay ang kanyang pamilya na kung saan ay hindi hadlang ang anumang bagay upang maisakatuparan ang ninanais.

Dahil sa kakaibang diskarteng ito ni Tatay Buboy at ng kanyang pamilya, bumuhos ang papuri at paghanga mula sa mga netizens kung saan ay nag-iwan ang mga ito ng mga positibong komento at reaksyon.

error: Content is protected !!