Connect with us

Entertainment

Kandidata ng Bansang Russia Para sa Miss Universe 2020, Tila Isang Real-Life Barbie Doll sa Sobrang Ganda

Nalalapit nang masaksihan ng buong mundo ang tagisan ng ganda, talento at talino ng mga kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo sa prestihiyosong beauty pageant na inaabangan ng lahat, ang Miss Universe 2020.

Handang-handa na nga ang mga kandidata ng iba’t ibang bansa sa buong mundo at sa kasalukuyan nga ay nasa USA na sila upang maghanda, at ipakita ang kanilang husay. At para sa ating bansang Pilipinas, ay talagang proud na proud tayo sa ating kandidata na si Rabiya Mateo. Ngunit, maliban naman sa performance ni Rabiya ay nakaabang rin tayo sa performance ng iba pang kandidata.

At ang isa nga sa sinasabing frontrunner na kandidata na talagang umagaw sa pansin ng publiko, ay ang kandidata ng Russia na si Alina Sanko. Marami ang pinahanga ni Alina Sanko, dahil sa kapansin-pansin niyang napakagandang mukha at katawan na maihahalintulad sa isang Barbie Doll.

Photo credits: ms.alinasanko | IG

Sa mga larawan ni Miss Russia na ibinahagi ng Facebook page na The Philippine Pageantry, ay makikita kung gaano nga ito kaganda, at sa caption ng post ay sinabi na tila nga isa itong real life Barbie Doll. Makikita naman talaga sa mga larawan ang malaking pagkakahawig nito sa pinakasikat na manyika sa buong mundo na lalong pinalutang dahil sa suot nitong damit.

Photo credits: ms.alinasanko | IG

“Look: She is the definition of a living Barbie doll, Alina Sanko, Miss Universe Russia 2020. She has arrived safe and sound in Miami, Florida, USA for Miss Universe 2020,”caption sa post.

Marami nga ang humanga kay Miss Russia, kung saan ay inulan ng mga komento ng paghanga mula sa mga netizens ang naturang post.

Photo credits: ms.alinasanko | IG

Samantala, marami naman ang nagsabi na malaki ang tsansa ni Miss Rusia na magwagi bilang Miss Universe 2020 dahil sa taglay nitong kagandahan.

Hindi lamang mga kababayan ni Miss Russia, kundi marami ring Pilipino ang nakaabang sa kanyang magiging performance, damit na isusuot, at siyempre sa kanyang magiging kasagutan sa Question and Answer portion ng Miss Universe. Hindi na rin nakapagtataka, kung marami ang naniniwala at hindi na sila magugulat kung ito nga ang magwagi sa nasabing patimpalak.

Photo credits: ms.alinasanko | IG

Ito nga ay dahil isa nang beterana si Miss Russia sa mga beauty contest kung saan ay minsan na ring maging kalahok ng Miss World pageant, at tulad nga ng pambato ng ating bansa at itinanghal na Miss Universe 2018, na si Catriona Gray ay talagang malaki ang tsansa ni Miss Russia na masungkit ang korona dahil sa kanyang karanasan sa pageantry.

Photo credits: ms.alinasanko | IG

Bagama’t, hindi nagtagumpay na maiuwi ang korona ng Miss World 2019, ay napabilang naman si Alina sa Top 12. Kaya naman, tiyak na sa pagkakataong ito, ay mas ibibigay pa niya ang kanyang best ngayong pangalawang sabak na niya sa international pageantry, upang maiuwi ang inaasam na korona.

Sa darating na May 17, sa Florida, USA magaganap ang pasiklaban ng 70 kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo upang maiuwi ang titulo ng Miss Universe 2020.

error: Content is protected !!