Jose Vicente P. Mapa III o mas kilala sa telebisyon bilang Jao Mapa ay isang kilalang aktor sa industriya ng showbiz at isa ring pintor. Tiyak na marami ang nakakakilala sa kanya dahil miyembro siya dati ng grupo ng mga kabataan na binansagang “Gwapings” na kinabibilangan nina Mark Anthony Fernandez, Eric Fructuoso at Jomari Yllana.
Nagsimula si Jao sa kanyang karera sa industriya sa isang sikat na commercial ng softdrinks noong dekada 90’s. Pinasok rin ni Jao ang mundo ng hosting kung saan naging co-host siya sa mga variety shows kagaya ng Eat Bulaga at ASAP. Una naman siyang naitampok sa pelikula noong 1995 sa pelikulang Pare Ko.
At tuluyan na ngang namayagpag ang kanyang karera sa industriya ng showbiz kung saan ay gumanap siya ng kabila’t kanan sa mga pelikula. Kabilang sa mga pelikulang kanyang ginanapan ay Pagpag, Larawang Kupas, Manila’s Finest, Kamandag Ni Venus, at Sa Ngalan Ng Ama, Ina at Anak. Maging ang mga pelikulang Geurilla is a Poet, Tumbok, Pilantik, HIV: Si Hiedi, Si Ivy at Si V ay kanyang ginaganapan rin. Naging bahagi rin siya ng mga pelikulang Baler, Tunay na Mahal, Tugatog, Dahil tanging ikaw, Asero at Maalala mo kaya: The Movie.
Ngunit, sa kalagitnaan ng kanyang namamayagpag na karera ay bigla na lang naglaho ang aktor. Ayon sa ilang balita, ang dahilan umano ng pag-iwan ni Jao sa kanyang karera sa industriya ng showbiz ay dahil naging broken hearted siya sa naging hiwalayan nila ng kanyang non-showbiz ex-girlfriend. At ito nga ay kinumpira ni Jao, ayon sa kanya, ang kanyang ex-girlfriend umano ay iniwan siya at sumama sa ibang lalaki.
At ngayon nga, marami ang nagtatanong kung saan na at ano ang pinagkakaabalahan sa buhay ng sikat at talentadong aktor ng kanyang henerasyon.
Ayon sa isang report, hindi umano niya pinagsisisihan ang pag-iwan sa kanyang karera bilang artista sa industriya.
“Hindi ko naman hinahanap ‘yung ganun (sikat). I’ve been there, done that. I mean, what’s there to look for? I already had my time”, pahayag ni Jao.
Matapos ngang iwan ni Jao ang mundo ng showbiz, bumalik siya sa pag-aaral upang taposin ang kursong Fine Arts, Major in Advertising sa University of Santo Tomas. Naiulat rin na naglalaro raw si Jao ng football, bagama’t hindi ito tiyak kung para ba sa kanilang unibersidad o kaya naman ay talagang hilig niya lang ang paglalaro nito.
Ngunit, muli naman siyang bumalik sa industriya ng showbiz noong 2015 kung saan ay naging bahagi siya ng teleseryeng “Ang Probinsyano” at gumanap ng isang kahanga-hangang karakter. At ngayon nga, nasasabik si Jao sa kanyang pagbabalik sa industriya.
“Well yeah hopefully, tuloy-tuloy na infact kasama ako sa pilot ng Ang Probinsyano and I’m under new management”.
Maliban sa kanyang pagiging abala sa trabaho bilang artista sa industriya ng showbiz, abala rin siya sa mga exhibits ng kanyang mga obra bilang isang pintor.
Pagdating naman sa kanyang pamilya, bumubuhos rin ang biyayang kanyang natamo dahil masaya na siyang kasama ang asawang si Cecille kung saan biniyayan sila ng tatlong anak, sina Benjamin, Caleb, at Amber Marie.
Makikita naman sa kanyang social media account na matapos ang kanyang matagumpay na karera sa industriya, ay pinasok naman niya ang private corporate world.
Sa huling post ni Jao, makikita na tila nakapila siya upang kumuha ng examination para sa mataas na posisyon sa SMDC.