Connect with us

Entertainment

Kakambal ni Jinkee Pacquiao na si Janet Jamora, Isinilang na ang 3rd Baby nila ng Dating PBB Housemate na si Steve “Tibo” Jumalon

Labis ang kaligayahan ng pamilya Jamora at Jumalon, sa panibagong biyayang ipinagkaloob sa kanilang pamilya. Ito nga ay dahil isinilang na ng kakambal ni Jinkee Pacquiao na si Janet Jamora ang pangatlong anak nila ng dating PBB housemate na si Steve “Tibo” Jumalon.

Isa na naman ngang proud tita sa pangatlong pagkakataon si Jinkee sa kanyang kakambal na si Janet matapos nitong isilang ang isang malusog na baby boy. Matatandaang si Jinkee ang unang nag-anunsyo ng pagdadalantao ni Jinkee noong July 14, 2020.




Ngunit sa pagkakataong ito, ay asawa naman ni Janet na si Tibo, ang unang nag-anunsiyo ng magandang balita. Nito lamang ika-9 ng Enero, sa pamamagitan ng isang Bible verse ay ibinahagi ng dating PBB housemate sa Instagram ang larawan ng kanilang anak ni Janet. Ayon naman sa caption ng post nito, ay ipinagdasal niya na biyayaan ng sanggol, at ito nga ay ipinagkaloob sa kanya.

“1 Samuel 1:27 ‘I prayed for this child, and the Lord has granted me what I asked of him.’Glory to God!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pbb tibo (@steve_jumalon)

Marami naman sa mga netizens ang nagpaabot ng pagbati sa biyayang dumating sa pamilya ng mag-asawa.

“Congratulations Janet and Tibo!”
“AWHHHHH SO LOVELY!! Congratssss”
“Congrats po sa inyo. Welcome baby”

Ang pagdating nga ng baby boy sa buhay ng mag-asawang Janet at Tibo ay maituturing na pinakamagandang regalo na natanggap sa pagdiriwang ng ika-42nd birthday ng kambal na sina Janet at Jinkee na ginanap noong Enero 12. Maliban naman sa bagong silang na sanggol ay may dalawa pang anak ang mag-asawa, sina Raymond at Ella.

Matatandaan na matapos ianunsyo ni Jinkee ang pagbubuntis ng kanyang kakambal, ay nasundan naman ito isang gender reveal party sa General Santos City noong nakaraang Setyembre kung saan ay dinaluhan ng pamilya at malalapit na mga kaibigan ng mag-asawa. Sa nasabing gender reveal party ay napag-alaman na isang baby boy ang nakatakdang isilang ni Janet.




 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pbb tibo (@steve_jumalon)

Ikinasal noong taong 2016 ang mag-asawang Janet at Tibo sa isang intimate beach wedding na ginanap sa Saranggani province. At ngayon nga, ay masayang naninirahan sa General Santos city mag-asawa kasama ang kanilang mga anak.

Samantla, nakilala at unang nasilayan ng publiko si Tibo sa Pinoy Big Brother. At sa nasabing kompetisyon, kung saan nagwagi bilang Big winner ang aktres at TV host na si Melai Cantiveros, ay ipinamalas ni Tibo ang kanyang kakayanan.

error: Content is protected !!