Connect with us

Entertainment

Kahit Wala na sa Showbiz, Nadine Samonte Proud na Ibinahagi na Masaya at Kontento Siya sa Buhay Niya Ngayon

Marami ang nangangarap na makapasok sa mundo ng showbiz at maging isang sikat na artista. Hindi lang dahil sa magbibigay ito ng kaliwa’t kanang oportunidad, kundi dahil din tunay na napakalaki ng kinikita ng isang sikat na artista kaya naman posible na lahat ng pangarap at naisin mo sa buhay ay maari mong makamtan.

Photo credits to the owner
Sa kabila naman ng lahat ng benepisyo na natatanggap ng isang sika tba artista ay mayroon pa ring mga artista na mas piniling talikuran ang kasikatan, dahil mas nais na magkaroon ng tahimik, pribado at simpleng pamumuhay.
Isa na nga sa mga ito ay ang dating aktres na si Nadine Samonte o sa tunay na buhay ay si Nadine Burgos Eidlot-Chua. Siya ay isa sa mga sikat na aktres noong kanyang kapanahunan, maliban pa dito ay isa rin siyang commercial model ng iba’t ibang mga produkto at kumpanya.

Photo credits to the owner
Matatandaan na si Nadine ay unang nakilala ng publiko ng siya ay maging Avenger sa unang season ng Starstruck ng GMA network, hanggang sa nagkaroon na nga siya ng sunod-sunod na proyekto. Napasama siya sa ilang mga pelikula katulad na lamang ng ‘Enteng Kabisote’, ‘Hari ng Sablay’ ,’Ang Exorsismo’ at iba pa.
Kahit namamayagpag sa kanyang kasikatan si Nadine noon, ay nagdesisyon siyang talikuran ang ang pag-aartista. Dahil sa pagiging isa niyang mahusay na aktres, ay may mga tao na nagpursige pa rin na pabalikin siya sa industriya ng showbiz, ngunit tunay na buo na ang kanyang desisyon na mamuhay ng simple at pribado, lalo na nga ng siya ay bumuo na ng kanyang sariling pamilya.

Photo credits to the owner
Para nga kay Nadine ay ‘happy and contented’ ang kanyang buhay ngayon dahil kasama niya ang kanyang mister na si Richard Chua at ang dalawa nilang anak na sina Heather Sloane at Austin Titus.
Samantala, kamakailan lamang ay nagbahagi ang mister ni Nadine na si Richard ng isang video kung saan ay maaaninag kung gaano kasaya ngayon ang dating aktres sa kanyang simpleng pamumuha, kasabay nga ng paganap niya bilang ilaw ng tahanan. Sa naturang video ay makikitang nag-eenjoy sa paglalaba ng mga damit si Nadine, habang tinuturuan din niya ang anak niyang si Heather na maglaba.

Photo credits to the owner
Ayon pa kay Nadine, tunay na kasiyahan ang kanyang nadarama kapag kasama niya ang kanyang pamilya at kapag gumagawa siya ng mga gawaing bahay. Dagdag pa ni Nadine, mas gusto niya ang pagiging hands-on niya sa pag-aasikaso ng kanyang pamilya, dahil batid niya na magandang ehemplo ito sa kanyang mga anak, ito rin nga ang dahilan kung bakit tuluyan niyang iniwan ang mundo ng showbiz.

Photo credits to the owner
“Yes, I love washing and ironing and cleaning mas gusto ko hands on ako sa ibang bagay kasi minsan our kids follow what we do. That’s the reason din kung bakit wala ako sa showbiz I’m enjoying every minute na kasama ko mga anak ko and my Fam [red heart emoji] I love doing anything for them [read heart emoji]”, saad nga ni Nadine.
Si Nadine ay isa lamang sa nagpatunay na hindi matutumbasan ng kasikatan ang kasiyahan na dulot ng pagkakaroon ng isang masayang pamilya.

error: Content is protected !!