Connect with us

Entertainment

“Kahit konting achievement ipagmalaki mo”: Karla Estrada, Proud na Ibinahagi ang Resulta ng Kanyang Weight-Loss Journey

Isa nga sa mga goals ng aktres at TV host na si Karla Estrada sa kanyang buhay, ay magkaroon ng healthy living. Bilang isang ina sa kanyang mga anak, ay talagang nais niyang mapangalagaan ng sariling kalusugan.

Photo credits: Karla Estrada | IG

Matatandaan nga na noong taong 2016, ay sinabi ni Karla na nais niyang maging fit and healthy ang kanyang katawan para sa kanyang mga anak.

“Para na din tumagal ako, at siyempre para ma-enjoy ko pa ang life ko na matagal na matagal for my children,”aniya.

Tila naman nagbunga na nga ang pagsusumikap ni Karla para maging fit and healthy ang kanyang katawan, dahil kamakailan lamang ay ginulat ng TV host ang kanyang mga tagahanga.

Nitong lamang ika-19 ng Marso, ay marami ang nainspire at humanga sa resulta ng pagbabawas ng timbang ni Karla. Sa Instagram, kung saan ibinahagi niya ang larawan ng before-and-after ng kanyang weight-loss journey mula 2020 at 2021, ay talagang makikita ang malaking pagbabago sa kanyang katawan. Ang dati niyang malaking tyan ngayon nga, ay lumiit na.

Caption naman ni Karla sa kanyang post, ay dapat umanong ipagmalaki kahit maliit na achievement dahil dito nagsisimula ang lahat.

“Before and after keme. Kala niyo ha! Kahit konting achievement ipagmalaki mo! Diyan lahat nag-uumpisa yan.”

Hinikayat rin ni Karla ang iba pang momshie na tulad niya na mag-work out rin upang maging fit and healthy ang katawan. At tigilan na ang maraming dahilan upang hindi ito magawa.

Photo credits: Karla Estrada | IG

“Let’s go mga momshie!!! ‘Wag na masyado madaming dahilan! LABAN PARA SA KALUSUGAN!!”

Photo credits: Karla Estrada | IG

Matapos nga ang isang taon mula Marso 2020 hanggang Marso 2021 na talagang todo ang pagsisikap ni Karla para makamit ang goal niya. At makikita naman sa kanyang ginawang pagbabawas ng timbang na epektibo ito. Ilan nga sa kanyang ginawang work out, base na rin sa kanyang mga Instagram post ay cardio, boxing, at weight training.

Dahil nga sa resulta ng kanyang weight-loss journey, ay hindi lamang mga tagahanga ng aktres ang nainspire at humanga, kundi pati na rin ang mga kaibigan niya sa showbiz.

“Sobrang sexy baya,” ani Melai Cantiveros na co-host ni Karla sa Magandang Buhay.

“Celebrate what your body can do for you! Keep strong, sexy, happy and healthy, QMF!” sabi naman ng Ang Sa Iyo Ay Akin star na si Iza Calzado.

“Go mareeee!!!”komento naman ng kanyang malapit na kaibigan na si Ruffa Gutierrez.

error: Content is protected !!