Connect with us

Entertainment

“Kahit ako mapapa-second look”: Neri Naig-Miranda, Nagbigay Ng Reaksyon Sa Komento Ng Kanyang Asawang Si Chito Sa Larawan Ni Sarah Lahbati

Sino nga ba ang hindi mapapalingon sa taglay na ganda at kaseksihan ng aktres na si Sarah Lahbati? Makikita sa Instagram account ni Sarah ang kanyang mga kahanga-hangang larawan lalo na kapag nakasuot siya ng swimsuit na nagpapalitaw ng kanyang taglay na kaseksihan.

CREDITS: Sarah Lahbati | IG

Marami nga ang talagang humahanga kay Sarah, kung saan ay pinupusuan pa ang kanyang mga larawan at nag-iiwan pa ng komento ng paghanga. Isa na nga rito ang bokalista ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda, na kamakailan lamang nga ay lumikha ng ingay sa social media matapos maging isyu sa isang netizen ang pagkomento niya ng fire emoji sa isang video ni Sarah.

CREDITS: Sarah Lahbati | IG

Ang napakaganda at seksing mommy nina Zion at Kai na si Sarah, ay kasalukuyang nagbabakasyon sa El Nido, Palawan para ipagdiwang ang kaarawan ng kanyang asawang si Richard Gutierrez. Mapapanood sa videong ibinahagi ni Sarah, na napakaangas ng kanyang dating usot ang shooting outfit at biglang nagkaroon ng pagbabago na makikita naman ang kanyang kaseksihan suot ang isang one-piece swimsuit.

CREDITS: Sarah Lahbati | IG

“From the range to the island real quick,”caption ni Sarah sa kanyang post.

Samantala, agad naman itong umani ng komento na puno ng papuri mula sa celebrities sa showbiz.

“Love ittt!” komento ng kanyang sister-in-law na si Ruffa Gutierrez.

“Wuhooo!” ayon naman sa vlogger na si Michelle Dee.

Ang fashion designer na si Mark Bumgarner ay nagsabi namang “So goodddd.”

Isang netizen naman ang nagbigay ng malisya sa pagkomento ni Chito ng fire emoji sa nasabing IG post ni Sarah. Ngayon nga, ay burado na ang komento ng nasabing netizen kung saan nagsabing:

“Alam ba ‘yan ng asawa mo”.

Hindi naman pinalampas ni Neri ang pagkakataon na sagutin ang komento ng netizen, para ipagtanggol ang kanyang mister na si Chito. Matapang na sagot ni Neri sa netizen:

“Eh hot naman talaga si Sarah, kahit ako mapapa-second look. Nakakaduda kapag sabihin ng asawa ko na pangit si Sarah.”

CREDITS: Sarah Lahbati | IG

Sa nasabing post ay muli namang nagbigay ng komento si Chito, ngunit sa pagkakataong ito ay ipinaliwanag naman niya ang kanyang sarili.

“Actually, it means ‘on fire’ kasi ang angas ng post niya (but I guess you don’t know that. Tsaka bakit? Hindi ba siya hot?”,pahayag ni Chito.

CREDITS: Sarah Lahbati | IG

Sa kanyang Facebook page, ay ibinahagi naman ni Chito ang isang larawan kung saan makikitang kasama niya ang mag-asawang sina Sarah at Richard. Tila nang-aasar naman si Chito sa caption ng kanyang post para sa netizen na nagbigay ng malisya sa kanyang komento. Paglilinaw nga ni Chito ay mga kaibigan niya ang mag-asawa.

“Ay, napost! Magkakaibigan pala kami.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SLG (@sarahlahbati)

error: Content is protected !!