Connect with us

Entertainment

Julia Montes, Bumisita sa Tahanan ni Dimples Romana, Silipin ang Masayang Kwentuhan ng Magkaibagan Habang Kumakain sa Kusina ni Dimples

Ang aktres na sina Julia Montes at Dimples Romana, ay unang nagkasama sa teleserye ng ABS-CBN na “Mara, Clara” noong 2010. Si Julia ang gumanap na Clara, at nakasama naman niya dito, ang aktres na si Kathryn Bernardo bilang si Mara. Si Dimples naman bilang si Alvira, na siyang tumatayong ina ni Clara at tunay na ina naman ni Mara.




Magmula nga noon ay naging malapit na sina Dimples at Julia, na tila nga mag-nanay sa tunay na buhay. At kamakailan nga, ay muling nagkasama ang dalawa sa latest vlog ni Dimples.

Sa nasabing vlog na pinamagatang “Kitchen Raid with Julia Montes”, ay maraming bagay ang napag-usapan ng magkaibigan patungkol sa buhay ni Julia mula sa pagkabata, hanggang ngayon na isa nang sikat na artista.

Photo credits: Dimples Romana Official | Youtube

Mapapanood nga sa unang bahagi ng video, na nagulat si Dimples matapos maabutan si Julia na naghahanda ng pagkaing street food para sa kanilang hapunan. Ayon nga kay Dimples, ay street food talaga ang paboritong kainin ni Julia sa tuwing pumupunta sa bahay niya.

Ibinahagi rin ni Dimples na sa kabila ng tinatamasang tagumpay ni Julia, ay nananatili parin ang pagiging mapagkumbaba ng aktres. Ayon pa nga kay Dimples, sa lahat ng kanyang mga kaibigan, si Julia umano ang hindi pabebe. Kaya naman, wala itong kaarte-arte sa katawan.

Photo credits: Dimples Romana Official | Youtube

Lingid naman sa kaalaman ng lahat, si Julia ang breadwinner ng kanyang pamilya. Kaya naman, kahit matagumpay na ang karera sa larangan ng showbiz, ay hindi niya naenjoy ang buhay, at hindi rin nabili agad ang kanyang mga gustong bagay noong kabataan niya. Ito nga ay dahil, mas prayoridad niya ang mga mas importanteng bagay tulad ng mga bayarin na siyang itinuro ng kanyang lola sa kanya.




Ibinahagi naman ni Julia, na malaki ang pagkahilig niya sa pabango. Sa katunayan nga nito, noong bata pa lamang siya kung saan ay naninirahan sa Pandacan, ay pabango ang kanyang binibili pag nagkakapera na kanyang tinitipid.

Dahil nga, hindi nabibili ni Julia ang mga nais niyang bagay noong kabataan niya, tiniyak ng aktres na kapag nagsimula na siyang kumita ng pera, ay mabibili na niya ang mga bagay na gusto niya.

Photo credits: Dimples Romana Official | Youtube

Kaya naman, noong nagkaroon raw sila ng tour sa isang mall kasama si Kathryn, ay talagang namakyaw siya ng pabango.

Samantala, hinangaan naman ni Dimples ang pagiging mabuting tao ni Julia, dahil mas inuuna nito ang kapakanan ng ibang tao kaysa sa kanyang sarili.

Marami pa ngang pinag-usapan ang magkaibigan patungkol sa buhay at sa pamilya. At sa takbo ng kanilang usapan, makikita kung gaano nila kakilala ang isa’t isa. Patunay lamang nga nito, na sa pagdaan ng panahon ay nananatiling matatag ang kanilang pagkakaibigan.

error: Content is protected !!