Connect with us

Entertainment

Judy Ann Santos, Pinabilib ang Kanyang mga Tagahanga sa Ipinakitang Kasipagan at Pagiging Hands-on sa kanilang Family Business

Bilang isang ilaw ng tahanan ay talaga namang hindi matatawaran ang sakripisyo para maitaguyod ang pamilya ng TV host at aktres na si Judy Ann Santos. Sa kabila nga ng hirap at pagod sa pagtatrabaho, ay patuloy ang pagsusumikap ni Juday para makatulong sa pamilya.

Si Juday ay tinatamasa na ang ningning ng katanyagan sa showbiz. Ngunit, sa kabila nito ay gumagawa pa rin ng paraan ang aktres upang magkaroon ng iba pang mapagkakakitaan katulad na lamang ng restaurant nila ng kanyang asawang si Ryan Agoncillo na “Angry Adobo”.

Photo credits: Judy Ann Santos | IG

Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na maliban sa pagiging isang aktres, ay isa ring mahusay pagdating sa pagluluto si Juday. Kaya naman, ang kanilang pinasok na negosyo ay may kaugnayan sa pagkain. At sa kanilang resto ay talagang napakahands on ni Juday.

Photo credits: Judy Ann Santos | IG

Ang kasipagan nga ni Juday ay naaktuhan kung saan makikita na tila pagod na pagod itong nakaupo habang suot ang uniporme ng kanilang resto na “Angry Adobo” at may hawak na sandwich upang maibsan ang gutom.

Ang nasabing larawan ay ibinahagi ni Juday sa kanyang Instagram account, kung saan ipinahayag niya na kahit pagod at gutom sa trabaho ay nag-uumapaw naman ang kanyang kaligayahan dahil naitawid nila ang lahat ng items na kailangang idispatch. Laking pasasalamat rin ni Juday sa kanyang mga kasamahan na nagtulong-tulong upang magawa at matapos ang trabaho.

“Yung nagsabay yung antok at gutom.. pero mas nangingibaw yung gutom habang hindi maitago yung kaligayahan mo, kasi naitawid mo lahat ng items na kelangan idispatch on time. thank you to everyone who bought slots for our sunday market live items ! My heart is so full and grateful! Maraming maraming salamat po! To the whole team of angrydobo, thank you , thank you! I wouldn’t be able to do everything without all of you.. #[email protected] @ryan_agoncillo”

X

Photo credits: Judy Ann Santos | IG

Samantala hindi naman nakaligtas sa mata ng mga tagahanga ni Juday ang nasabing larawan kung kaya’t dinagsa ito ng paghanga at puno ng papuri.

Photo credits: Judy Ann Santos | IG

Kahanga-hanga naman talaga si Juday, hindi lamang bilang aktres, at chef, kundi bilang isang mapagmahal na asawa at maarugang ina sa kanyang mga anak. Tunay nga na kanyang gagawin ang abot ng kanyang makakaya para lamang sa magandang kinabukasan ng kanyang pamilya.

error: Content is protected !!