Connect with us

Entertainment

Judy Ann Santos, Masayang Ipinagdiwang ang Ika-44 na Kaarawan sa Isang Cruise

Noong Mayo 11 ay ipinagdiwang ng isa sa mga pinakamagaling na artista sa showbiz na si Judy Ann Santos ang kaniyang ika-44 na kaarawan. Kung noon ay hinahangaan si Judy Ann bilang isa sa mga magaling na batang artista, ngayon ay hindi aakalaing 44 taong gulang na ang aktres. Bagamat bumulusok ang karera ni Judy Ann noong kaniyang kabataan, tuloy-tuloy pa rin ang kaniyang mga naging proyekto. Ang ilan nga sa mga pelikulang ito ay nakapagbigay pa kay Judy Ann ng malalaking parangal.

Dahil sa ilang taon niyang pagtatrabaho, talagang nararapat lang na magkaroon din siya ng komportableng pamumuhay at masayang kaarawan kasama ang kaniyang pamilya. Sa isang Instagram post nga ng kaniyang asawa na si Ryan Agoncillo ay ibinahagi nito ang isang simpleng larawan ng kaniyang asawa. Nagbigay rin siya ng simple ngunit napaka-sweet na mensahe,

“Happy Birthday My Dear Judy Anne.”

Sa hiwalay naman na post ni Judy Ann, makikita na kasama nito ang kaniyang anak at mga kapatid na masayang nagdiriwang ng kaniyang kaarawan sa isang cruise. Kitang-kita naman ang saya ng aktres sa selebrasyon na ito. Ayon nga sa kaniyang post,

“Birthday sunset cruise. What more can I ask for. Thank you my love @ryanagoncillo. Sun, sea, love. All that I needed.”

Photo credits: officialjuday | Instagram

Photo credits: officialjuday | Instagram

Bukod sa mga mahal sa buhay ni Judy Ann at ilang mga fans na bumati sa kaniya, binati rin siya ng kaniyang mga naging katrabaho at malalapit na kaibigan sa industriya ng showbiz gaya nina Aga Muhlach, Coney Reyes, Kean Cipriano, Paolo Ballesteros, Aiko Melendez, Christine Babao, Bianca Gonzales, at Jolina Magdangal. Bukod sa mga ito, isa rin sa mga nagpasaya kay Judy Ann sa araw ng kaniyang kaarawan ay ang malapit niyang kaibigan na si Sharon Cuneta.

Photo credits: officialjuday | Instagram

Ayon sa hiwalay na Instagram post ng aktres, sinorpresa siya ng mega star na si Sharon Cuneta dahil sa ipinadala nitong isang napakagandang flower arrangement. Dagdag pa rito ay ang napakasweet na sulat hindi lamang mula kay Sharon ngunit mula rin sa asawa nitong si Kiko Pangilinan. Kwento ni Judy Ann, talagang hindi maitatanggi ang pagmamahalan, respeto, at pagtuturingan nila bilang magkapatid simula pa noong una.

Bagamat mas pribado na ngayon ang buhay ni Judy Ann, kapansin-pansin pa rin na masaya at kuntento ito sa simple at pribadong mga selebrasyon kasama ang kaniyang mga mahal sa buhay.

error: Content is protected !!