Connect with us

Stories

Judy Ann Santos, Inihayag ang Kaniyang Plano Sakaling Hanapin ng Kanilang Anak na si Yohan ang Kaniyang Tunay na mga Magulang

Sa pagsisimula pa lamang ng pagiging mag-asawa nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, naging bukas na sila sa publiko patungkol sa kanilang mga anak lalong-lalo na sa kanilang adopted na anak na si Yohan.

Kahanga-hanga rin ang pagpapalaki nina Judy Ann at Ryan hindi lamang kay Yohan kundi pati na rin sa kanilang dalawang anak dahil pantay-pantay ang kanilang pagtrato sa kanila at ginagawa nila ang lahat upang iparamdam ang kanilang pantay na pagmamahal.

Kaugnay nito, ibinahagi ni Judy Ann na noon pa man, nais niyang iwasan ang paggamit ng salitang “adopted” dahil totoong anak ang turing nila kay Yohan. Iniiwasan din nila na malungkot ang bata ngunit sa paglipas ng panahon iba naman ang napagtanto ng aktres,

“I realized everybody out there who’s adopted, should realize that it’s such as beautiful word. Ako, ang realization ko, napakaganda ng salitang adopted o adoption because somebody wanted you in their lives. They chose you.”

Ngunit ngayon nga na lumalaki na ang kanilang mga anak, hindi maiiwasan ang mga katanungan ni Yohan tungkol sa kaniyang biological parents. Kwento ni Judy Ann, may mga pagkakataon kung saan nagsisimula nang magtanong ang kanilang anak na si Yohan tungkol sa tunay nitong mga magulang.

Sinisikap naman itong sagutin lahat ng aktres bagamat wala rin siyang ideya sa totoong pagkakakilanlan ng mga ito. Nagbibigay rin ng paalala si Judy Ann kay Yohan,

“If at some point you want to meet them, you want to talk to them, if you feel that there are questions already in your heart that’s piling up, and feeling mo sila lang ang makakasagot, we can look for them because that’s your right.”

Sa kabila nito, inamin rin ni Judy Ann na hindi ito naging madali para sa kaniya. May pagkakataon din umano na nasasaktan siya ngunit alam niyang karapatan ito ng kaniyang anak kaya naman inihahanda rin niya ang kaniyang kalooban,

“Hindi mo naman siya pinagdadamot, pero from that time she asked me that question, I was preparing myself every day, ‘Lord, dumating man yung time na maging seryoso na ‘tong batang ‘to, prepare mo kami kasi hindi ko siya ipagkakait sa ganoon.”

error: Content is protected !!