Connect with us

Entertainment

Judy Ann Santos, Ibinahagi na kapag siya ay Magriritiro Gusto niya ay sa New Zealand na Manirahan kasama ang Pamilya

Darating ang panahon na lahat tayo ay tatanda at mareretiro. At ang hanap nga ng marami sa atin ay isang magandang lugar na tahimik at makakapag-relaks tayo kasama ang ating pamilya.

Kaya naman, ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ang panahon ng kanilang pagreretiro. At kung may isang lugar man na babalik-balikan sina Ryan at Juday, ito nga ang New Zealand.

Sa kanilang pagbabakasyon sa New Zealand kasama ang kanilang buong pamilya, ay talaga namang nag-iwan ito ng magandang impression sa kanila. At dahil nga talagang humanga sila sa ganda ng lugar ay naisip ng mag-asawa na magandang lugar ito para sa kanilang retirement.

Photo credits: google.com

At kamakailan nga, ay ibinahagi ng mag-asawang Juday at Ryan ang dahilan kung bakit mas nanaisin nilang sa New Zealand magretiro kasama ang kanilang pamilya.

“New Zealand kasi, we just really fell in love with the place kasi mas maraming baka sa tao,”saad ni Juday.

Photo credits: google.com

Bukod nga rito, ay pinahanga rin ng lugar si Juday sa taglay nitong malinis na kapaligiran, at malawak na lugar. At kapag nag-aaral ang kanyang mga anak, ay makikita niya ang mga ito ligtas na naglalakad pauwi at papasok ng paaralan.

Dahil nga dito, ay hindi imposible ang plano na mag-migrate sila sa New Zealand sa hinaharap upang dito nga lasapin ang masayang buhay kasama ang buong pamilya.

“We could have… At some point, hindi imposibleng mag-migrate sa New Zealand in the future. Yung ganun siya, ganun yung effect niya sa amin.”

Photo credits: google.com

Espesyal rin talaga ang New Zealand para sa mag-asawang Juday at Ryan, dahil dito umano nabuo ang kanilang anak na si Luna. Kaya naman, nang pangalawang beses na nagbakasyon sila sa lugar, ay alam nila pareho na may magandang bagay na nangyari dito.

“Dun nabuo si Luna. Nung pangalawang punta namin, alam namin na may nabuo dito.Yun na nga, tumpak! Jackpot! Pag-uwi, yun na! Okay, good job. Achieved!”

Ang mag-asawang Juday at Ryan kasama ang kanilang mga anak ay dalawang beses nang nakapagbakasyon sa New Zealand. At ang huli nga nilang pagbisita sa napakagandang lugar ay noon pang 2015 kung saan nakasama ng kanilang pamilya ang best friend ni Juday na si Beth Tamayo.

Photo credits: google.com

Isa nga sa talagang na-enjoy nila ay ang Hobbiton Movie Set Tour sa Waikato, New Zealand. The Hobbiton Movie Set ay lugar na inilaan para sa The Lord of the Rings film trilogy at The Hobbit film trilogy.

Maliban sa New Zealand, ay malapit rin sa puso ni Juday ang Las Vegas, Nevada sa USA. Ito nga ay sa kadahilanang may naipundar na bahay rito ang mag-asawang Ryan at Juday.

error: Content is protected !!