Connect with us

Entertainment

Judy Ann Santos, Ibinahagi Kung Paano Niya Ipinaliwanag sa Kanyang Anak na Si Yohan ang Pagiging Ampon Nito

Isa sa pinakamahirap na desisyon para sa isang magulang, ay ang mag-alaga ng anak na hindi naman kadugo o sa madaling salita nga ay mag-ampon. Maliban sa pagbibigay ng mga pangangailangan ng bata, ay isa ring bagay na dapat isaalang-alang o paghandaan pagdating ng panahon ay ang pagkakaroon ng sariling anak, kung saan nga ay dapat na patas ang pagtrato bilang tunay na anak.

Kaya naman, bago magpasyang magkaroon ng adopted child ay dapat isaisip na tanggapin at mahalin ng buong puso ang batang aalagaan at magiging parte ng pamilya kahit hindi naman kaanu-ano o kadugo.

Kaya naman ang mga magulang na tulad ng aktres na si Judy Ann Santos, ay talaga namang kahanga-hanga dahil buong pusong tinanggap at minahal na parang tunay na anak ang kanyang adopted daughter na si Yohan. Maliit pa lamang si Yohan ay nasa poder na siya ni Juday, at ngayon nga ay teenager na ito.

Ang aktres na si Juday ay isa sa pinakakilala at talentadong artista sa industriya ng showbiz. Bukod nga rito, ay hahangaan rin ang taglay na kabutihan ng kanyang puso dahil nga nagawa niyang alagaan at ituring na parang tunay na anak si Yohan. Matatandaan na minsan nang ibinunyag ni Juday na pangarap niya talagang magkaroon ng isang anak na babae kapag tumuntong na siya sa edad na 26. At ang pangarap niyang ito ay binigyang katuparan ng Diyos, dahil ipinagkaloob sa buhay niya ang batang si Yohan noong taong 2004.

At tila sa pagdating ni Yohan ay mas lalo namang bumuhos ang biyaya sa buhay ni Juday, hindi lamang sa kanyang karera kundi pati narin sa kanyang love life. Kasabay nga ng matagumpay na karera ni Juday sa showbiz, ay ang pagsisimula rin ng relasyon nila ng kanyang asawa na ngayong si Ryan Agoncillo. At nang ikasal sina Juday at Ryan noong 2009, ay hindi rin nagdalawang isip si Ryan na tanggapin at mahalin si Yohan bilang kanyang sariling anak. Sa katunayan nga nito, ay isa na ring ganap na Agoncillo si Yohan matapos pakasalan ni Ryan si Juday.

Ngayon nga ay makikita na lumaking isang mabuting bata si Yohan, at mapagmahal sa kanyang mga magulang. Patunay lamang nga nito na hindi masama ang pagiging ampon, lalo na nga kung isang tunay na anak naman ang turing na tinanggap bilang parte ng pamilya at mahal na mahal ng mga taong tumayong magulang.

Ngunit, paano kaya ipinagtapat ni Juday sa kanyang anak na si Yohan na ampon ito?

Kamakailan nga ay ibinahagi ni Juday sa kanyang mga fans, kung paano niya naipaliwanag nang mabuti kay Yohan ang pagiging ampon nito. Pag-amin ni Juday, ay matinding panalangin ang kanyang ginawa para masabi at maipaliwanag niya kay Yohan na ampon ito.

Dahil nga isang sikat na artista si Juday, ay hindi niya magagawang magtago ng sikreto sa kanyang anak. Kaya naman, mas minabuti ng aktres na siya mismo ang magsabi sa kanyang anak sa tamang paraan dahil ayaw niyang malaman ito ni Yohan mula sa ibang tao. Alam rin ni Juday na kapag sa ibang tao pa nalaman ni Yohan na isa siyang ampon, ay masasaktan ang damdamin ng bata.

Maayos namang naipaliwanag ni Juday kay Yohan ang tungkol sa pagiging ampon nito. Bagama’t isang adopted child si Yohan, kailan man ay hindi nito naramdaman na iba siya sa mag-asawang Juday at Ryan, sa halip nga ay damang-dama ni Yohan ang pagmamahal ng kanyang pamilya at itinuring na parang tunay na anak.

error: Content is protected !!