Connect with us

Entertainment

Judy Ann Santos, Hindi Mapigilang Maiyak sa Katatawa Dahil sa Suot na Polo ng Kanyang Asawang si Ryan Agoncillo Nang Sila’y Magpabakuna

Ngayong panahon ng pandemya kung saan laganap ang nakakahawang sakit na dulot ng COVID-19, ay hinihikayat nga ng gobyerno ang karamihan na magpabakuna. Kaya naman, unti-unti na ring nagpapabakuna ang mga tao sa bawat sulok ng mundo. At dito nga sa ating bansa ay marami na rin ang nagpapabakuna para na rin sa kapakanan ng kanilang kalusugan at maging ligtas rin ang kanilang pamilya laban sa sakit.

Credit: Judy Ann Santos Agoncillo | Instagram

Kabilang na nga rito ang mga sikat na artista sa showbiz gaya na lamang ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na kamakailan lamang nagpabakuna kung saan ay may nakakatuwa silang karanasan habang nagpapabakuna.

Sa kanyang social media account, ay ibinahagi ni Juday na halos maiyak na siya sa kakatawa dahil sa suot na polo ni Ryan nang magpabakuna sila. Dahil nga dito, ay nagbigay ng tips si Juday kung ano ang tamang isusuot kapag magpapabakuna.

Credit: Judy Ann Santos Agoncillo | Instagram

“2nd dose done! Nagsimula ng seryoso, nag ending sa pakabugan ng entry sa pagturok! isang mahalagang paalala.. wag po magsusuot ng polo na mahigpit ang manggas,” saad ni Juday sa kanyang caption.

Makikita kasi na nakasuot si Ryan ng isang kulay blue na polo na masikip sa kanyang bandang braso. At dahil nga, ang pagbabakuna ay itinuturok sa braso ay kinailangan pang alisin ang butones ng kanyang damit at ibaba ang manggas ng kanyang damit para lamang maturukan ng maayos.

Credit: Judy Ann Santos Agoncillo | Instagram

Ibinahagi din ni Ryan sa kanyang Instagram ang kuha ng larawan nilang mag-asawa habang nakababa ang kanyang manggas. Tinawag naman ni Ryan na “most daring role” ang nakakatawang eksena. Biro pa nga TV host, ay huwag magsuot ng polong mahigpit para bakuna ay hindi sumabit.

“my most daring role ever TUROK part 2, warning: wag mag polong mahigpit para bakuna’y di sumabit,” sambit ni Ryan sa kanyang caption.

Sa isang video naman na ibinahagi ni Juday, ay makikita na kahit nakasakay na sila ni Ryan sa sasakyan ay hindi parin matigil ang kanyang katatawa at halos maluha-luha na nga sa lakas ng tawa, at inaasar pa ang mister kung okay pa daw ba ito. Ayon naman kay Juday, ay masaya magpabakuna, at sila may isang nakakatawang pangyayari ang naranasan.

Credit: Judy Ann Santos Agoncillo | Instagram

Samantala, kasabay namang magpabakuna ng mag-asawang Juday at Ryan ang komedyanteng si Eugene Domingo na tawang-tawa rin sa nangyari kay Ryan. Sa Instagram nga, ay ibinahagi ng komedyante ang mga video ng kanilang nakakatawang karanasan habang nagpapabakuna na tinawag naman niyang MMFF entries.

Credit: Judy Ann Santos Agoncillo | Instagram

Nakakatawa mang isipin ang nangyari kay Ryan ay malaki naman ang aral na matututunan ng bawat isa rito. Importante naman talaga na magsuot ng angkop na kasuotan kapag magpapabakuna upang maging maayos ang pagbabakuna lalo na nga’t nakasalalay rito ang ating kalusugan.

error: Content is protected !!