Connect with us

Entertainment

Jowa Reveal! Singer-Actress Angeline Quinto Ipinakita na ang Hitsura ng kanyang Boyfriend sa Publiko ng Ibahagi ang mga Larawan sa Kanyang Naging Maternity Photoshoot

Bakas na bakas ang kaligayahan sa singer-actress na si Angeline Quinto sa mga larawan niya na kuha sa kanyang naging maternity photoshoot, kung saan ay nakasama nga niya ang kanyang non-showbiz boyfriend. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na isinapubliko ni Angeline ang hitsura ng ama ng kanyang magiging anak.

Photo Credits: Angeline Quinto| IG

Matatandaan pa nga na sa isang eklusibong panayam ni Boy Abunda sa kanya, inamin ni Angeline ang kanyang pagbubuntis, ito ay halos dalawang buwan na nga ang nakalilipas. Sa nasabing panayam rin ay ibinahagi ni Angeline kung gaano siya nae-excite na harapin ang panibagong pahina na ito ng kanyang buhay.

Photo Credits: Angeline Quinto| IG

“Parang ngayon lang din ako naging excited ng ganito ulit sa buhay ko. Pero kasi, Tito Boy, minsan siyempre hindi naman mawawala sa mga iniisip ko, paano bang maging nanay, di ba? Ako naman kasi parang hindi na rin ako mahihirapan kasi ang daming mga nanay na malapit sa akin. At unang una siyempre Tito Boy, napalaki naman ako ng maayos ng Mama Bob (her late mother who passed away in 2020). So ako, I’m sure na magiging mabuting nanay din ako sa magiging anak ko”, ani Angeline sa panayam sa kanya.

Photo Credits: Angeline Quinto| IG

At siyempre sa pagbubuntis niyang ito, ay naranasan din nga ni Angeline ang magkaroon ng maternity photoshoot, kung saan dito na rin nga niya nagawang ipakita ang hitsura ng kanyang karelasyon ngayon na ama nga ng kanyang anak, na matagal ng nais masilayan ng kanyang mga tagahanga.
Nito lamang nakaraang ika-18 ng Pebrero, ay nagbahagi ang 32-taong gulang na singer-actress sa kanyang Instagram account ang isang vlog, kung saan ay kanya ngang ipinakita ang mga larawan ng naging maternity photoshoot niya, at mas lalo pang ikinasiya ito ng kanyang mga tagahanga dahil nakasama niya sa mga larawan ang ama ng kanyang anak.

Photo Credits: Angeline Quinto| IG

“Hello Mga ka twinkle”, ang una ngang naging pagbati ni Angeline sa kanyang vlog, kung saan ang binabati nga niya at tinutukoy niyang mga ka-twinkle ay ang kanyang mga subscribers.

Pagpapatuloy niya, “For today’s vlog gagawin ko ang who knows me better kasama ang Team AQ. Siyempre, ipapa silip ko din sa inyo ang aking maternity shoot. Sana ma enjoy niyo tong vlog na ‘to…Don’t forget to subscribe like and share and comment down below ano pa mga gusto niyo makita sa channel ko.
Labyu mga Ka Twinkle… Love, Angeline”

CREDITS: Angeline Quinto| YT

Sa kabila naman ng pagsasapubliko ni Angeline ng hitsura ng ama ng kanyang anak, ay wala na ring iba pang detalye na ibinahagi ang singer-actress.
Nakatakdang magsilang si Angeline sa kanyang magiging anak, ngayong nalalapit na buwan ng Abril. Inaasahan na rin ng lahat na magiging isang malusog na baby boy ang isisilang ng singer-actress.

error: Content is protected !!