Connect with us

Entertainment

Joross Gamboa, Ipinasilip ang Napakaganda at Napakalawak na Beach House ng Kanilang Pamilya Na Matatagpuan sa Quezon Province

Ang aktor na si Joross Gamboa ay isa sa pinakakilalang artista sa showbiz, na kung saan nga ay maraming taon nang ipinapamalas ang husay sa pag-arte. Hindi naman maitatanggi na sa bawat kita ng aktor ay may pinaglalaan siyang bagay. Katulong rin ng aktor sa pagtupad ng bawat pangarap ang kanyang pamilya.

Isa na nga rito ang napakagandang beach house na pagmamay-ari ng kanilang pamilya na matatagpuan sa Costa Sariya, Sariaya, Quezon Province. Ang bagong family property na ito, sa kauna-unahang pagkakataon nga ay ipinasilip ni Joross sa kanyang mga tagahanga.

Photo credits: Joross Gamboa | IG

Sa kanyang Instagram ay masayang ibinahagi ni Joross ang hitsura ng labas at loob ng kanilang beach house. At makikita nga na napakaganda at napakalawak ng family property na ito. Matatandaan na noong nakaraan ng buwan ng Abril 23, nang ibahagi ng aktor na magpapatayo ang kanyang pamilya ng isang beach house sa Sariaya, Quezon. At ilang buwan lamang nga ay agad itong natapos, kaya naman agad ring ipinasilip ni Joross sa kanyang mga tagahanga.

Photo credits: Joross Gamboa | IG

Photo credits: Joross Gamboa | IG

Photo credits: Joross Gamboa | IG

Photo credits: Joross Gamboa | IG

Photo credits: Joross Gamboa | IG

Sa labas pa lang ng beach house ay agad nang hahangaan ang taglay nitong ganda. Sa labas nito ay makikita ang isang swimming pool. Mas pinakaganda naman ang beach house dahil sa ganda ng tanawing hatid ng malawak na karagatan.

Photo credits: Joross Gamboa | IG

Makikita rin sa labas ang sementadong lote na kanilang inilaan para magsilbing basketball court at para sa mga naghahanap ng ibang activities. Pagpasok naman sa loob ng beach house ay bubungad ang eleganteng disenyo ng living room na binagayan ng magagarang mga palamuti at dekorasyon. Ang tila naman mala-condo-type ang kusina at dining area ng beach house na talagang elegante ang dating.

Photo credits: Joross Gamboa | IG

Photo credits: Joross Gamboa | IG

Samantala, kalakip naman ng mga larawan ng beach house ay labis naman ang pasasalamat ni Joross sa biyayang ito na natanggap ng kanilang pamilya. Pinasalamatan rin ng aktor ang mga taong tumulong sa kanila para maisakatuparan ang kanilang napakagandang beach house.

“Thank you Lord sa blessing na eto! All Glory to God! Sa lahat ng bumubuo neto SHARARAWT sa inyo! Family of Gamboa-Sanchez, Alba-Gamboa, Gamboa-Saga, Gamboa-Escusa, Gamboa-Rapiz.”

Nangako rin ang aktor na maglalabas siya ng isang vlog patungkol sa beach house sa kanilang YouTube channel na “The Gamboa Channel” para mas lalo pang masilip ng publiko ang taglay na ganda ng kanilang beach house property.

Tila nga handang-handa na ang pamilya ni Joross para sa parating na summer season at tiyak na mag-eenjoy ang kanilang pamilya sa pananatili sa kanilang beach house. Tiyak rin na makakapag-relaks ang bawat isa sa kanila lalo na’t napakatahimik ng lugar at magaganda ang tanawing masisilayan dito.

error: Content is protected !!