Connect with us

Entertainment

Jolina Magdangal, Ipinasilip Ang Kanyang Koleksyon ng Iba’t Ibang Klase ng Cactus Sa Kanilang Tahanan

Sa pagdating ng pandemya sa ating buhay ay maraming bagay tayong nadiskubre at natutunan. Noong nakaraang taon sa halip nga na mabagot tayo sa loob ng ating mga tahanan ay nakapag-isip tayo ng paraan para malibang. At isa na nga rito ang pag-aalaga ng iba’t ibang klase ng mga halaman. Kung ang ilan nga, ay mga gulay ang itinanim sa loob ng kanilang bakuran, may ilan rin namang nag-alaga ng iba’t ibang klase ng mga halaman sa loob ng kanilang tahanan.

Kaya naman, sa unang mga buwan ng pandemya ay hindi maitatanggi na marami ang naging certified plantita at plantito. May ilan na ginagawang koleksyon ang pag-aalaga ng iba’t ibang klase ng halaman sa loob ng bahay. At hindi naman maikakaila na malaki ang naitulong nito para malibang at mabawasan rin ang pangamba sa nangyayari sa kapaligiran na dulot ng pandemya.

Sa pag-aalaga rin ng iba’t ibang halaman sa loob ng bahay, ay nagsilbi rin itong dekorasyon dahilan para mas gumanda ang ating mga tahanan. Kaya naman, ang aktres at TV host na si Jolina Magdangal ay proud na proud bilang isang plantita na kung saan ay may koleksyon ng iba’t ibang klase ng cactus.

Photo credits: Jolina Magdangal | IG

At bilang isang plantita ay hindi naman maitatanggi na masaya at proud si Jolina sa pagkakaroon niya ng cactus collection sa loob ng kanilang tahanan. Sa Instagram, ay proud na ibinahagi ni Jolina ang kanyang koleksyon ng iba’t ibang klase ng cactus.

Photo credits: Jolina Magdangal | IG

Makikita na maraming cactus ang inaalagaan ni Jolina. At para naman sa isang plantita na gaya niyang palaging abala sa kanyang pamilya at trabaho, ay hindi naman kinakailangan ng mahabang oras para alagaan ang mga ito. Ang mga alagang cactus ni Jolina ay isang beses sa isang linggo lamang kung diligan o kapag makikita na tuyo na ang lupa. Kapag oras naman nang diligan ay dapat matiyak na ang tubig sinisipsip ng lupa hanggang sa maabot nito ang mga ugat ng halaman.

Photo credits: Jolina Magdangal | IG

Napakaganda namang pagmasdan ng mga cactus ni Jolina dahil bukod sa wodden racks na lagayan, ay makikita ring makukulay ang ginamit na paso ng aktres para sa kanyang mga cactus. Makikita rin na bukod sa makukulay na paso, ay may iba’t ibang klase ng disenyo ring paso si Jolina para sa kanyang mga cactus.

Photo credits: Jolina Magdangal | IG

Katulong naman ni Jolina sa pagdidilig at pag-aalaga ng kanyang koleksyon ng cactus ang kanyang anak na si Vika. Ito na rin ang isa sa nagsisilbing bonding moments nilang mag-ina habang sila’y nasa kanilang tahanan.

Ilan naman sa koleksyon ng cactus ni Jolina ay ang golden barrel cactus na isa sa pinakamahirap makitang uri ng cactus. Kasama rin sa kanyang koleksyon ang tinatawag na Boobsie. Dahil nga sa magagandang koleksyon ng cactus ni Jolina ay napakagandang pagmasdan at nakakarelaks ang kanilang lounging area.

error: Content is protected !!