John Prats, Ibinahagi na Ang Pagiging Isa Niyang Ama sa Kanyang mga Anak, Ang Pinaka-Best “Role” na Kanyang Ginampanan

Para sa aktor na si John Prats,dahil sa kanyang mga anak, ay mas naging “thankful at hopeful” ang kanyang pananaw sa kanyang buhay.

Noon ngang buwan ng Hulyo taon ng kasalukuyan, ay isinilang ang ika-3 anak ng mag-asawang John Prats at Isabel Oli. At sa naging panayam sa aktor sa “I Feel U” episode, nitong nakaraan lamang ay ibinahagi ni John, ang kanyang “parenting style”, lalo na ngayon na may panibagong miyembro muli ang kanyang pamilya.
Bilang mga magulang, ay isa sa mga hinihiling at nais ng mag-asawang John Prats at Isabel Oli, ay ang mapalaki ang kanilang tatlong anak na sina Feather, Freedom at Forest, na nagmamahalan, nagtutulungan at malapit sa isa’t isa bilang magkakapatid.




Ayon nga sa mga mag-asawa, kahit bata pa sina Feather at Freedom, ay hinahayaan nila ang mga ito na tumulong sa pag-aalaga sa kanilang kapatid na baby pa lamang, ito ay sa pamamagitan ng mga simpleng bagay tulad ng pag-abot ng mga diaper.

Nakikita nga ni John na sa ganitong pamamaraan, ay mas magiging malapit ang magkakapatid sa isa’t isa.

Ibinahagi rin ng aktor, na sa murang edad ni Feather at Freedom, ay nakita niya na ang closeness ng dalawa, at ang pagiging isang responsableng ate ni Feather sa kanyang mga kapatid, ito ay dahil sa nakita niya ang naging pagtulong na ginawa nito sa kapatid nitong si Feather ng ito ay uminom ng tubig.

Para nga sa aktor, ang kanyang asawa at mga anak, ang siyang inspirasyon at motivation niya, upang mas lalo pag masumikap sa buhay.

Kwento pa nga ni John, kahit hindi siya umattend ng mga seminar para sa parenthood, ay tila lumabas lang sa kanya ang pagiging natural kung paano ang maging isang responsableng ama at asawa, lalo na ng isinilang ang kanilang panganay na si Feather.




Napatunayan rin umano ng aktor na iba ang sayang naidudulot ng kanyang mga anak sa kanya, at ang mga ito ang isa sa mga dahilan niya upang umuwi ng maaga galing trabaho, dahil sa tunay nga na nakawawala ng pagod kapag nakaka-bonding niya ang mga ito.

Ayon pa nga kay John, ang pagiging isang ama, ang isa sa pinaka-masayang pakiramdam na naramdaman niya sa kanyang buhay, lalo na kapag nakikita niya ang kanyang mga anak na masaya, sa mga regalo na ibinibigay niya sa mga ito, o kahit sa mga simpleng bonding moments nila.

Ang pagiging isang ama rin, para sa aktor ang pinaka-best role na ginampananan niya sa kanyang buhay, kung saan ay naniniwala ang si John ang Diyos ang siya niyang naging gabay upang maging mabuti at mapagmahal na padre de pamilya.

Samantala, sa ngayon ay hindi masyadong nakakasama ni John ang kanyang pamilya, ito ay dahil sa pagkakaroon ng lock-in taping ng “FPJ, Ang Probinsyano”, kung saan ay dalawang linggo ang magiging isolation nila para sa tapings.